^

PSN Showbiz

Ruffa pinag-iisipan pa ang muling pagpirma sa Kapamilya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Masipag mag-post sa Instagram ni Ruffa Gutierrez ng pictures nilang mag-anak sa Asian cruise nila para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez. Maraming pictures si Ruffa at mga anak na sina Lorin at Venice at super bonding ang mag-iina.

Sa presscon/launch ng Cosmo Skin L-Glutathione with Advance Skin Whitening Technology, nabanggit ni Ruffa na lahat ay gagawin niya para sa mga anak. Dahil alam niyang nami-miss ng mga anak ang ama nilang si Ylmaz Bektas, payag siyang bumalik ng Istanbul, Turkey pero bilang part ng It Takes..., hindi siya takot pumunta roon at sigu­radong hindi siya sasaktan dahil may kasamang cameraman.

After ng Asian cruise, itutuloy ni Ruffa ang shoot­ing ng movie nila nina Sarah Geronimo at Coco Martin at may isa pa siyang pelikulang gagawin sa April. Sa posibilidad na muli siyang papipirmahin ng kontrata sa ABS-CBN, “Let’s see what’s gonna happen,” sagot ni Ruffa.

Anak ni Carmina crush ni Andrea

Nakyutan kami sa nadiskubre namin kay Andrea Brillantes. Sa final presscon ng Annaliza, wala raw siyang crush after Daniel Padilla at nawala ang crush niya sa young actor dahil kuya na niya ito.

Later on, inaming crush nito si Enrique Gil dahil magaling su­ma­aw at umaarte pa. Gusto rin ntong makatrabaho si Gerald Anderson dahil mabait at cute pero hindi raw niya crush.

Nalaman namin na ang talagang crush ni Andrea ay si Mave­rick o Mavy, anak nina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Gusto sigurong ilihim ni Andrea ang tungkol kay Mavy, kaya hindi nabanggit.

Anyway, after Annaliza, sunod na mapapanood si Andrea sa primetime soap na Hawak-Kamay kasama sina Piolo Pascual at Iza Calzado.

Andrea Torres sigurado nang kikita ng three years sa GMA

Another three years at exclusive contract ang muling pinirmahan ni Andrea Torres sa GMA Network. Gaya sa unang kontrata, magkatulong ang network at Triple A Management sa pagpapatakbo ng career ng aktres.

Masaya si Andrea na ni-renew ang kontrata niya dahil assurance ito na for the next three years ay may home network siya at may mag-aalaga sa kanya. Six years na siya sa network at happy siyang maging Kapuso.

Present sa contract-signing ni Andrea sina GMA Entertainment TV’s SVP Lilybeth Rasonable, GMA VP for ETV Marivin, at iba pang exec, at pati manager ni Andrea na si Rams David.

Looking forward si Andrea na muling gumawa ng soap dahil sa ngayon, habang inihahanda ang next soap niya, sa Sunday All Stars at Bubble Gang siya napapanood. Ang dami  niyang natututunan sa dalawang shows at nai-improve ang dancing talent niya at na-discover na puwede pala siya sa comedy.

Inusisa namin si Andrea sa tsikang boyfriend niya si Sef Cadayona at rason ito kung bakit hindi sila nagbabatian ng ex-girlfriend nitong si Yassi Pressman. Itinanggi ni Andrea na BF niya si Sef at close lang sila.

As for Yassi, hindi nito tuwirang sinabi kung nagbabatian sila basta wala siyang kaaway. Pero si Yassi ay inaming hindi niya binabati si Andrea.

OST ng indie film ni Ely umabot sa 41 songs

May kasamang OST o Original Soundtrack ang ibi­nigay na press release ng movie na Bang Bang Alley produced ni Ely Buendia na isa rin sa tatlong directors ng movie na showing sa April 9.

Ang 41-track album na yata ang may pinakamaraming songs sa album na alam namin at kasama rito ang Manang’s Theme na theme song ni Perla Bautista. Hindi lang namin alam kung available na ang album pero tiyak kaming magugustuhan ng Pinoy.

Ang daming cast ng movie pero ang dumating lang sa presscon ay si Ms. Perla na bida sa Pusakal episode directed by Ely. Dumating din sina Bela Padilla at Art Acuña na bida sa Aso’t Pusa’t Daga episode directed by Yan Yuzon.

Walang dumating sa cast ng Makina episode, directed by King Palisoc, na kinabibilangan nina Gabe Mercado, Kalila Aguilos, Alex Medina, at Meryl Soriano.

Si Megan Young na kasama sa Pusakal episode at may hawak na baril ang may pinakamalaking picture sa poster pero hindi ang pangalan ang una sa billing na alphabetically arranged.

ADVANCE SKIN WHITENING TECHNOLOGY

ALEX MEDINA

ANDREA

ANDREA BRILLANTES

ANDREA TORRES

ANNALIZA

NIYA

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with