^

PSN Showbiz

Jessy inaatrasan ng manliligaw

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Talagang sa ginawang pag-atras ni Jake Cuenca ng panliligaw sa nakapareha niya sa Maria Mer­cedes na si Jessy Mendiola ay marami ang nanini­wala na talaga namang hindi seryoso si Jake sa aktres at bahagi lamang ng trabaho nila sa Mexicanovela ang sina­sabing closeness nila. Kung talagang may pagtingin siya rito, ga­ano man siya kaabala sa trabaho niya, ay magbibigay siya ng pa­nahon dito para madalaw, makausap, at makita man lamang ito. Pero sa pagsasabing ni sa kanyang sarili ay wala siyang oras ma­papagtanto na talagang hindi siya naging seryoso sa aktres at nagbakasakali lamang.

Pero hindi lamang si Jake ang sumuko na kay Jessy. Inamin ng aktres na maging si Sam Milby ay huminto na ng pagpaparamdam sa kanya. Katulad ni Jake ay kaabalahan din sa trabaho ang pumipigil kay Sam para i-pursue si Jessy.

Wala siyang panahon. Pero ang damdamin niya sa dalaga ay hindi pa nawawala. Wala lang talaga siyang time para bigyan oras na maligawan ito ng pormal at maayos.

Kahit nanghihinayang, wala namang choice ang aktres kundi tanggapin ang maagang pag-atras sa panliligaw sa kanya ng dalawa sa pinaka-eligible na bachelor actors natin ngayon. Eh ang magkapatid na Teng kaya, hindi pa ba pinanghihinaan ng loob?

Aljur maraming selebrasyong gagawin sa birthday

Kung si Louise delos Reyes ay walang takot makipagsaba­yan kay Anne Curtis na ang ginagampanang role na Dyesebel ay mas sikat kaysa sa sirena ring role niya sa fantaserye ng GMA na Kambal Sirena, balitang kinabog na ni Jennylyn Mercado ang katapat na programa niyang Rhodora X ang The Legal Wife ni Angel Locsin. Mukhang mas excited ang manonood na ma­malas ang kasalbahihan ni Roxanne/Rhodora na maski ang pa­mil­ya niya ay hindi pinapatawad kaysa sa hindi pa natutuklasan ng character ni Monica (Angel) ang unti-unti pang-aakit ni Maja Salvador kay Jericho Rosales gayong ang napakabatang anak nina Echo at Angel ay nakararamdam na ng hindi maganda sa boss ng ama niya.

Nagsisimula pa lamang ang labanan ng apat na teleserye ng mortal na magkalabang network pero ngayon pa lamang ay ramdam na ng manonood ang igting ng kumpetisyon nila.

Samantala, sa taping ng Kambal Sirena magdiriwang si Aljur Abrenica ng kanyang 24th birthday. Plano nito na magkaro’n ng multiple celebrations na isa rito ay dun nga sa taping ng Kambal Sirena. Meron ding birthday mall show, isang se­le­brasyon ka­sama ang World Vision kids, at isa pa na kasama lamang ang pamilya niya.

Manilyn napansin ng Kapuso sa pagma-Mama Bear

Maganda ang impact na nalikha ng “Mama Bear” role ni Manilyn Reynes sa katatapos na ser­ye ng ABS-CBN na Got to Believe kung kaya binigyan siya ng sarili niyang serye ng GMA na ma­tutunghayan pagkatapos umere ng Paraiso Ko’y Ikaw. Ito ang My Best Friend Forever na ang makakapareha niya ay ang dalawa sa mga na-link sa kanya noong kabataan niya na sina Keem­pee de Leon at Janno Gibbs. Makakasama nila ang mga sikat na Kapuso child stars na sina Mona Louise Ray at Jillian Ward.

Hindi na masusundan ang Got to Believe ni Manilyn sa Kapamilya Network dahil isang pro­ject lamang ang puwede niyang gawin outside GMA.

ALJUR ABRENICA

KAMBAL SIRENA

LAMANG

MAMA BEAR

NIYA

PERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with