^

PSN Showbiz

Pinay na paramedic buwis-buhay sa sunog, kinilala sa American news

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Proud tita ako sa aking pamangkin na si Marie Antoinette Dumlao aka Apol dahil nailigtas nila ng kanyang mga kasamahan ang isang mag-anak na na-trap sa loob ng isang nasusunog na bahay.

Nangyari ang insidente noong March 18 sa Seat Pleasant, Maryland. Nagtatrabaho bilang paramedic ang aking pamangkin at habang nagpa-patrol sila ng mga kasama niya, nakita nila ang nasusunog na bahay.

Hindi makalabas ng bahay ang isang ina at ang kanyang tatlong anak dahil ang harap ng tahanan nila ang nasusunog.

Tumalon mula sa second floor ng bahay ang nanay ng mga bagets kaya naka-confine siya nga­yon sa isang ospital. Nailigtas naman ng pamangkin ko at ng emergency crew ang mga bata.

Ang maging kalma, dahil paparating na ang mga bumbero, ang sinabi ni Apol sa mga na-trauma na biktima ng sunog. Halos wala nang natira sa bahay na naabo pero mas mahalaga na may mga buhay na nailigtas.

Nalaman ko ang kabayanihan ni Apol dahil ipina­labas sa mga TV news program ang pagtulong nila sa fire victims. Pinoy na Pinoy si Apol kaya nakaka-proud na kinikilala sa Amerika ang ginawa niya at ng kanyang co-workers.

Nang mapanood ko ang television report, na-realiz­e ko na buwis-buhay at hindi madali ang trabaho ng pamangkin ko sa US.

Isinilang sa Pilipinas at lumaki sa akin si Apol. Dito siya nag-aral at nang makatapos ng college ay saka siya nag-migrate sa Amerika.

Aljur wala nang mahihiling pa sa birthday

Twenty-four on twenty-four si Aljur Abrenica dahil 24th birthday niya sa dara­ting na Lunes, March 24.

Walang plano si Aljur na magkaroon ng bonggang birthday celebration dahil may taping siya para sa Kambal Sirena.

Kahit may trabaho si Aljur sa kanyang actual birthday, nagkaroon din siya ng birthday mall show noong Linggo at kahapon ay nakasama niya ang mga bata mula sa World Vision Philippines.

Wala nang mahihiling pa si Aljur sa kanyang 24th birthday. Masaya at kuntento siya dahil sa kanya ibinigay ng GMA 7 ang role ni Kevin, ang leading man ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena.

Ipinalabas noong Miyerkules ang unang eksena ni Aljur sa Kambal Sirena bilang boss ni Louise at positive naman ang mga feedback.

Carla hindi pinaniwalaan ang emote ni Aljur

Magkasunod ang birthday nina Aljur at Geoff Eigenmann. Kung sa March 24 ang 24th birthday ni Aljur, sa March 23 naman ang 29th birthday ni Geoff.

Dadalo si Carla Abellana sa birthday party ni Geoff sa Linggo bilang patunay na sila pa rin at walang problema sa kanilang relasyon na dumaan sa pagsubok dahil sa balita na kinukulit sa text ng kanyang boyfriend ang girlfriend ni Aljur na si Kylie Padilla.

Hindi pinaniwalaan ni Carla ang tsismis. Para sa kanya, pang-promo lang ng Kambal Sirena ang pag-i-emote ni Aljur sa Startalk noong Linggo.

Holy Land malaking bahagi sa buhay nina Sen. Bong at Hayden

Tuloy na tuloy sa susunod na linggo ang Holy Land tour nina Sen. Bong Revilla, Jr. at House Representative Lani Mercado.

Kasama ng mag-asawa sa Holy Land tour ang lahat ng kanilang mga anak at babalik sila sa Pilipinas sa April 13.

Makakasabay ng mag-asawa sa Holy Land tour sina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho, Jr.

Magkaiba ang kanilang grupo pero malaki ang posibilidad na magkita sila sa mga lugar na pupuntahan nila.

Nagkaroon noon ng isyu sa pagitan nina Bong at Hayden nang masangkot ito noong 2009 sa isang malaking eskandalo. Marami na ang nangyari at pagbabago mula noong 2009. Hopefully, ang pagkikita nila sa Holy Land ang maging daan para maayos na ang lahat.

 

ALJUR

ALJUR ABRENICA

APOL

BIRTHDAY

DAHIL

HOLY LAND

KAMBAL SIRENA

LINGGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with