^

PSN Showbiz

Boses ng mga bulilit maririnig ngayong summer!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling hahanapin ng ABS-CBN ang susunod na singing superstar sa pagbabalik ng ultimate singing-reality search, ang top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngayong summer.

Unang handog nito ngayong taon ang The Voice Kids na maririnig ang mga pinaka-nakakabilib at ka­kaibang boses ng mga bulilit na may edad na walo hanggang 14 taong gulang.

Muling uupo bilang coaches ng The Voice of the Philippines kids ang Pop Princess na si Sarah Geronimo, Rock Superstar na si Bamboo, at Broadway Diva na si Lea Salonga sa panibagong edisyon nito.

Pangungunahan naman ito nina Luis Manzano at season one V Reporter na si Alex Gonzaga bilang hosts.

Gumawa ng ingay ang unang season ng The Voice of the Philippines sa naiiba nitong format kung saan boses at hindi hitsura o kuwento ng buhay ang bida.

Itinanghal na unang The Voice of the Philippines si Mitoy ng Team Lea na talaga namang pinatuna­yang isa siyang world-class talent na maaaring ipagmalaki sa buong mundo.

Naging matagumpay ang Pinoy adaptation ng sikat na international TV franchise na sinubayba­yan ng publiko mapa-TV, online, o mobile man da­hil linggu-linggo itong nanguna sa ratings, pinag-usapan sa social media, at hinimok ang mga ma­nonood na iboto ang kanilang mga pambato.

Pumatok din sa mga Pinoy ang “blind auditions” nito kung saan kinailangang kumanta ang auditio­nees habang nakatalikod ang coaches.

Hindi lang ang artists ang naglaban-laban sa kumpetisyon kundi pati na rin ang coaches mula sa pagpipili nila ng artists at sa showdown ng kani-ka­nilang teams sa live shows hanggang sa finale.

Abangan ang The Voice Kids sa ABS-CBN nga­yong tag-init na!

ALEX GONZAGA

BROADWAY DIVA

LEA SALONGA

LUIS MANZANO

PINOY

POP PRINCESS

SHY

VOICE KIDS

VOICE OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with