Geoff ayaw paawat kay Aljur?!
Kung totoo man na pinopormahan ni Geoff Eigenmann ang girlfriend ni Aljur Abrenica na si Kylie Padilla, wala namang masama. Hindi pa naman mag-asawa ang dalawa bagama’t dito sa ating bansa ay hindi ginagawa ng mga kalalakihan, artista man o hindi, na manligaw ng babaeng may karelasyon.
Ito ang hinihingi ng kagandahang asal sa ating mga Pinoy. Baka lang talagang naakit si Geoff sa anak ni Robin Padilla kaya naihagis nito ang kagandahang asal sa labas ng bintana.
Okay lang na kinausap siya ni Aljur. Maiintindihan natin kung nagalit man siya sa kapwa niya artista. Pero ano kaya ang mangyayari kapag hindi siya masawata? Abangan ang susunod na pangyayari.
Claudine nasupalpal ng puwersa nina Ray-mart at Gretchen
Talaga bang pinagkakaisahan nina Raymart Santiago at Gretchen Barretto si Claudine BarretÂto? I’m sure hindi palalampasin ni Claudine ang ginawang pangpipiyansa ni Gretchen sa idinemanda niyang katulong. Lalo na ang pagsasabi ng kanyang ex na dyowa na wala itong nakikitang alahas niya na puwedeng nakawin ng katulong.
Sana hindi na lang ipinaalam kay Claudine na ang kapatid niya ang nagpiyansa sa katulong niya. Napakasakit nga naman sa parte niya ’yung ginawa ng kapatid. Kaya makakaasa na naman tayo ng isang giyerang mundyal.
Daniel at Kathryn matira ang matibay sa relihiyon
Sino nga kaya ang magtatagumpay kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magpalit ng relihiyon? Aber, tingÂnan nga natin kung sino sa kanila ang mas may matatag na paniniwala pagdating sa bagay na ito.
Isang malaking problema ito na kinakaharap ng maraming magkakarelasyon na kapag nagpasyang mag-asawa na ay nadadamay lalo na ang mga anak. Kaya kayong dalawa, ngayon pa lamang ay magkaalaman na kayo!
- Latest