^

PSN Showbiz

Jake in love pa rin kay Lovi?!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Parang in love pa si Jake Cuenca kay Lovi Poe. Sa interview sa kanya nina Tito Boy Abunda at Kris Aquino sa kanilang programa, inamin niyang masaya siya kina Lovi at Rocco Nacino.

Inamin din niyang nanligaw siya pero hindi na niya binanggit na naging sila kahit alam ng lahat na naging sila na.

“Nanligaw talaga ako. At saka kung anuman ang napagdaanan namin noon, we left it on a good note,” sagot nito kay Tito Boy.

At nang tanungin siya kung merong aktres na nakikita niya ang sarili or something to that effect, si Lovi pa rin ang pinili nila.

Balitang nagkaroon sila ng major encounter ni Ro­cco noon pero wala sa kanilang nagsalita.

James Reid at Nadine Lustre kinakikiligan na

Kapos sa pera, tadtad pa ng pimples — ‘yan si Eya. Prince Char­ming ang dating, mala-monster ang asal — ‘yan si Cross. Sila ang tambalang  EYOSS na sobrang kinababaliwan sa #1 best-selling book, Diary ng Panget, ng sensational teenage writer na si Denny. Ngayon, sila ay bibigyang buhay nina James Reid at Nadine Lustre sa pinaka-mainit na rom-com ngayong summer, ang Diary ng Panget: The Movie mula sa Viva Films. 

Si James Reid ay unang nakilala bilang Big Winner sa Pinoy Big Brother Teen Clash of 2010. Mula noon, lumabas siya sa ilang ABS-CBN shows tulad ng Pintada, Good Vibes, at ilang episode ng Maalaala Mo Kaya. Naging endorser na rin siya ng iba’t ibang brands, at nagkaroon ng sariling recording album sa Viva Records. 

Big move sa career ni James ang pagiging leading man sa first ever movie niyang ito, kaya naman malaki ang pasasalamat niya sa tiwala ni Boss Vic del Rosario na isa sa mga namili sa kanya para magbida sa naturang pelikula. 

Half-Pinoy, half-Australian, kumuha siya ng Tagalog lessons at sumailalim sa matinding ac­ting workshop mula sa veteran actor Pen Medina para magampanang mabuti ang kanyang papel. 

Ayon sa kanya, ito ay naging malaking hamon dahil ibang-iba ang personality niya kay Cross, na tinawag niyang “suplado”.

Sa Diary ng Panget, si Cross Sandford ay student council president at star athlete sa Willford Academy. Commercial model din siya kaya naman sikat na sikat sa campus. Ideal guy na sana kung hindi lamang sa kanyang pangit na ugali, lalo na kay Eya na alalay niya. Bilang pagpapahirap sa dalaga, tinatambakan niya ito ng mga gawain at pinapahiya sa publiko.

Si Eya ang self-proclaimed “Panget” na may-ari ng diary. Reah Rodriguez ang buo niyang pangalan. Natural na masayahin, tinitiis na lang niya ang pang-aabuso ni Cross. Isa pa, kailangan niya ng extra income dahil hindi sapat ang kinikita niya bilang food attendant sa karinderya ng kanyang tita. Buti na lang at nakakapag-aral siya bilang iskolar sa Willford Academy.

Malas man sa boss, suwerte naman si Eya sa mga kaibigang sina Chad at Lory, na ginagampanan nina Andre Paras at Yassi Pressman. Hindi mahalaga sa kanila kung mahirap si Eya o kung ano pa ang hitsura nito. Kung gano’n lang din sana si Cross sa kanya.

Dahil sa pagiging hardworking ni Eya, nakaka-relate raw si Nadine sa kanyang role. Bago dumating ang big break na ito, naging bahagi na si Nadine ng ilang pelikula tulad ng Who’s That Girl, Pet­rang Kabayo, at When the Love is Gone. Bumida naman siya sa teen-oriented show na Bagets at sa teleser­yeng P.S. I Love You sa TV5. Tulad ni James, dati rin siyang recording artist. Naging miyembro siya ng Pop Girls ng Viva na naglabas ng album. 

Anyway, nagpakilig sa kanilang song numbers sina James at Nadine sa naganap na Diary ng Panget: The Movie Nationwide Caravan sa Market Market, Cebu, at Subic. At, in fairness, nakakadala raw ang chemistry ng dalawa, at sa hiyawan ng fans, obvious na patok sa kanila ang bagong love team. Buhay na buhay na nga kina James at Nadine ang TEAM EYOSS. 

Marami pang kilig moments ang magaganap, kaya punta na sa kanilang mall shows sa Farmers Cubao, Quezon City, March 22; SM Manila, March 23; SM Bacoor, Cavite, March 29; SM Fairview, Quezon City, March 30; Trinoma, QC, April 4; at SM Sta. Rosa, Laguna, April 5. 

Showing na ang pelikula sa April 2, sa direksiyon ito ni Andoy Ranay at mula Viva Films.

EYA

JAMES REID

NADINE

NADINE LUSTRE

NIYA

PANGET

QUEZON CITY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with