^

PSN Showbiz

Usapang pagtatapos hihimayin sa Gandang Ricky Reyes

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang buwan ng Marso’y pinakahihintay ng mga mag-aaral na magtatapos sa elementary, high school at kolehiyo.

Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes, Todo Na Toh (GRR TNT) dahil tatlong magagandang kuwento ng mga estudyante ang itatampok.

Hindi naging hadlang sa magkasintahang pipi at bingi para matupad ang kanilang pangarap na makatapos ng kurso at makapagtrabaho. Nagtulungan at naging inspirasyon ng dalawang may kapansanan ang isa’t isa tungo sa tagumpay.

Kahanga-hanga naman ang henyong si Miggy Portuguez. Walang naka­talo sa 12 taong gulang na henyo maging kaedad niya at kagrado o mga mag-aaral sa mas matataas na antas basta sa larangan ng Mathematics at Scinece.

May tip pa ang GRR TNT kung anong regalo ang dapat ibigay sa mga magtatapos.  Mura lang ang halaga, maganda at eco-friendly ang mga ito.  Bongga!

Ituturo rin ni Mader kung saang kainan p­uwedeng i-blow out at mag-family bonding pagkatapos ng commencement exercises.  ‘Di lang ‘yon, tatlong mapapalad na coed ang makakatikim ng Make Over Magic ni Mader di lang sa gradution kungdi pati sa ball.

Lahat ng ito sa GRR TNT prodyus ng ScriptoVision at napapanood sa GMA News TV tuwing Sabado alas nuwebe hanggang alas diyes nang umaga.

vuukle comment

BONGGA

GANDANG RICKY REYES

ITUTURO

KAHANGA

LAHAT

MADER

MAKE OVER MAGIC

MIGGY PORTUGUEZ

TODO NA TOH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with