Bags at pitakang gawa sa lumang diyaryo, pinagkakakitaan ni Sheryl Cruz
MANILA, Philippines - Ibabahagi ni Karen Davila ang kwento sa likod ng tagumpay ng fragrance company na Zen Zest Asia na nagsimula lang sa pag-eeksperimento sa kusina ngayong Miyerkules (Mar 19) sa My Puhunan.
Kursong psychology ang tinapos ni Michelle Fontelera, ang may-ari ng Zen Zest Asia. Ngunit nahilig lamang siyang mag-eksperimento ng paggawa ng mga pabango at lotion noong siya’y 23 taong gulang sa tulong ng tiyuhin niyang chemist.
Mula sa kusina, pinagtiyagaan niyang matutong magÂhalo ng iba’t ibang kemikal sapagkat matindi ang paniniwala niyang malaki ang pwede niyang kitain mula rito. Napatunayan niyang maaari siyang yumaman dito nang kumita siya ng P21,000 sa unang 300 piraso ng homemade raspberry at melon scents niya.
Ngayon, binebenta na ang Zen Zest perfumes sa may 100 outlets nationwide at pati na rin sa ibang bansa sa Asya. Kaya naman sa edad na 37, certified mega-milyonarya na si Michelle.
Mula sa mga pabango, itatampok naman ni Karen ang paper weaving livelihood program at negosyo ng beteranang aktres na si Sheryl Cruz.Bukod sa kanyang angking galing sa handicrafts, likas din kay Sheryl ang pagmamahal sa kalikasan, kaya naman ang kanilang bags, wallets, purses, backpacks, at gadget cases, gawa sa mga lumang dyaryo at papel.
- Latest