^

PSN Showbiz

Marian gamit na gamit na ng ex ni Dingdong na nagbabalik-showbiz; Paglabas sa kulungan ng dating katulong mas nabalita kesa sa pagdalaw ni Claudine sa puntod ni

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Ang mga speculation na lalong nagalit si Claudine Barretto sa kapatid na si Gretchen dahil ito ang tumulong para makalaya si Dessa Patilan, ang ex-personal assistant ni  Claudine na ipinakulong nito dahil sa akusasyon na pagnanakaw.

SCENE:  Mas marami ang news sa paglaya ni Dessa Patilan kesa pagdalaw ni Claudine Barretto sa puntod ni Rico Yan noong March 14.

SEEN: Dapat nang huminto si Antoinette Taus sa pagpapainterbyu tungkol kay Marian Rivera dahil matagal nang tapos ang relasyon nila ni Dingdong Dantes.

Libreng-libre si Antoinette na sumagot ng “no comment” para hindi siya mapagbintangan na ginagamit niya si Marian sa publicity.

SCENE: Babalik sa Pilipinas  ang Korean superstar na si Lee Min Ho para sa kanyang Bench Fun Meet sa March 21 sa Smart Araneta Coliseum.

SEEN: Ang dasal ng supporters ni Helen Gamboa na gumaling  agad ang veteran actress  para makasama pa rin siya sa cast ng  bagong tele­serye ng GMA 7, ang Dalawang Mrs. Real.

SCENE: Epic fail ang press release ni Louise delos Reyes na may sirena na mamamatay sa episode ng  Kambal Sirena noong Lunes dahil nameless sirena ang namatay.

SEEN: Scene-stealer si Kiray Celis sa isang fa­shion show noong Sabado sa SM SkyDome.

Ramdam na ramdam ni Kiray ang pagiging supermodel.

SCENE: Ang pasasa­lamat ni Anne Curtis sa lahat ng mga nanood ng pilot episode ng Dyesebel noong Lunes.

Nag-trending worldwide ang simula ng Dyesebel.

ANNE CURTIS

ANTOINETTE TAUS

BENCH FUN MEET

CLAUDINE BARRETTO

DESSA PATILAN

DINGDONG DANTES

DYESEBEL

HELEN GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with