Kathryn pini-pressure si Daniel na magpa-convert sa INC?!
Miyembro si Kathryn Bernardo ng Iglesia ni Cristo at ayon sa dalaga ay isang kasamahan din niya sa INC ang dapat niyang makarelasyon kapag nakahanda na siya para dito. Ilang buwan na ring mag-ka-M.U. (mutual understanding) sina Kathryn at Daniel Padilla pero hindi naman miyembro ng INC ang aktor. “Si DJ kasi alam ko may takot naman siya sa itaas. So Importante sa akin ‘yung naniniwala. Pero bawal eh, bawal po sa INC (na hindi INC),†nakangiting pahayag ni Kathryn.
Mahalaga raw para sa aktres ang relihiyon o paniniwala ng isang tao. “Malaking factor siya para sa ating lahat pero for me, ‘pag mahal mo naman ang isang tao, tatanggapin mo kung ano ang tao na ‘yun. Ako kung gano’n na talaga ako, kailangan tanggapin na ‘yun ng isang tao kasi ako na ‘yun eh. Hindi mo na ‘yun mababago,†paliwanag ng dalaga. Napag-uusapan daw minsan nina Kathryn at Daniel ang tungkol sa kanilang magkaibang reliÂhiyon pero hindi naman daw humahantong sa puntong pinipilit niyang magpa-convert na sa INC ang aktor. “Napag-uusapan namin about sa mga diÂfferences ng teachings ng mga INC sa ganyan. Hindi ko siya tinatanong talaga na ‘Willing ka ba?’ Mapi-pressure ko naman siya ‘di ba? Nakikiramdam lang. Unahin muna natin si God ngayon bago ang lahat, pero basta ayokong magsalita nang tapos,†kwento ni Kathryn.
Kahit walang teleserye ngayon ay madalas pa rin daw makasama ng aktres si Daniel. “Everyday, minsan naman magkasama kami. Pumumunta siya sa bahay, kasama niya sina Dominic (Roque), ‘yung barkada niya, nagba-bike kami. ‘Yan ‘yung ginagawa namin minsan, tuloy-tuloy naman,†pagtatapat ng aktres.
Abala ngayon si Kathryn sa paghahanda para sa kanyang 18th birthday celebration na gaganapin sa March 29.
Zsazsa gusto nang maging masaya
Magda-dalawang taon na ngayon mula nang pumanaw si Dolphy. Ayon kay Zsazsa Padilla ay naiiyak pa rin daw siya hanggang ngayon kapag kumakanta dahil naaalala niya ang aktor. “Every time akong magpe-perform eh umiiyak ako. Pero part ng happiness project ko for this year is to listen to music again and not think that all the songs are about me. Kasi kapag nalulungkot ka, mas nagko-concentrate ka sa lyrics at saka feeling mo para sa iyo ang lahat ng kanta tapos iyak ka lang nang iyak. So, this year I want to be happier,†paliwanag ni Zsazsa.
Samantala, masaya ang aktres dahil nakasama siya sa teleseryeng Dyesebel na nagsimula na noong Lunes. “I’m r eally honored na ino-offer-an na naman ako ng Dreamscape kasi alam nila na malungkot ako sa bahay at gusto ko lang magtrabaho,†pahayag ni Zsazsa. Wala raw problema sa aktres kung muli siyang gumanap bilang kontrabida sa nasabing serye. “AcÂtually it’s fun. Sabi ko nga kay Albert (Martinez), no’ng ginagawa ko ‘yung Juan Dela Cruz, gusto ko kasi ‘yung nag-iiba, nakaka-challenge pala kapag kontrabida. Saka I’m very passionate about acting, just like singing,†pagtatapos niya. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest