Boses ng mga bulilit, maririnig sa pagbabalik ng “The Voice” ngayong summer
MANILA, Philippines - Muling hahanapin ng ABS-CBN ang susunod na singing superstar sa pagbabalik ng ultimate singing-reality search, ang top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines ngaÂyong summer.
Unang handog nito ngayong taon ang The Voice Kids, kung saan maririnig ang mga pinaÂkanakakabilib at kakaibang boses ng mga bulilit na may edad na walo hanggang 14 taong gulang.
Muling uupo bilang coaches ng The Voice of the Philippines kids ang Popstar Royalty na si SaÂrah Geronimo, Rock Superstar na si Bamboo, at Broadway Diva na si Lea Salonga sa panibagong edisyon nito.
Pangungunahan naman ito nina Luis Manzano at season one V Reporter na si Alex Gonzaga bilang hosts.
Gumawa ng ingay ang unang season ng The Voice of the Philippines sa naiiba nitong format kung saan boses at hindi itsura o kwento ng buhay ang bida.
Itinanghal na unang The Voice of the PhiÂlippines si Mitoy ng Team Lea na talaga namang pinatunayang isa siyang world-class talent na maaaring ipagmalaki sa buong mundo.
Naging matagumpay ang Pinoy adaptation ng sikat na international TV franchise na siÂnubaybayan ng publiko mapa-TV, online, o moÂbile man dahil linggo-linggo itong nanguna sa ratings, pinag-usapan sa social media, at hinimok ang mga manonood na iboto ang kanilang mga pambato.
Pumatok rin sa mga Pinoy ang “blind auditions†nito kung saan kinailangang kumanta ang auditionees habang nakatalikod ang coaches.
Hindi lang ang artists ang naglaban-laban sa kumpetisyon kundi pati na rin ang coaches mula sa pagpipili nila ng artists at sa showdown ng kani-kanilang teams sa live shows hanggang sa finale.
- Latest