ABS-CBN takot pa rin sa magiging kapalaran ni Julia
Ako rin naman ay hindi naniniwalang hindi naÂapektuhan si Julia Barretto ng away ng kanyang pamilya. Nakakainis nga ang mga olds niya na dahil sa sarili nilang kapakanan ay nakalimutan na may mga bata na myembro ng pamilya nila na maÂapektuhan sa pag-aaway nila. Buti ang anak ni GretÂchen ay wala rito at sa abroad nag-aaral. Pero si Julia ni Marjorie ay nauudlot ang paglulunsad sa pagkaÂbituin, siguro dahil may takot ang ABS-CBN na magnega ang imahe nito dahil sa pag-aaway ng pamilya niya.
Showtime kumpleto na sa kasal ni Karylle
Nakakatuwa namang nagbago na pala ang ihip ng hangin kaya nagsabi si Vice Ganda na dadalo na sa kasal ni Karylle. Pinapalakpakan kita Vice at tuluyan mo nang kinalimutan ang naging samaan ninyo ng loob ng ikakasal. Makatutulong ito para mas maging masaya ang event.
- Latest