‘Huwag niyo na ko tanungin about kay Kris’ – Ai-Ai
MANILA, Philippines – Nilinaw ng komedyanteng si Ai-Ai delas Alas na hindi sila magkagalit ni TV host Kris Aquino at nakiusap na huwag na silang pag-usapan pa.
“Hindi kami galit, hindi kami galit,†sagot ni Ai-Ai nang makausap ng entertainment press sa press conference ng “Dyesebel†na magsisimula mamaya.
Natsismis na may tampuhan daw sa pagitan ng dalawang Kapamilya star matapos hindi makadalaw si Kris sa lamay ng biological mother ni Ai-Ai nitong nakaraang taon.
“About Kris, huwag na natin siya pag-usapan,†banggit ni Ai-Ai na nakasama pa si Kris sa Metro Manila Film Festival para sa pelikulang “Sisterakas.â€
“Unang-una, hindi naman siya kasali dito. And wala yun, nagkataon lang… akala lang nila yun,†dagdag niya.
Aniya ayaw na lamang niyang pag-usapan pa para hindi na magkaroon ng isyu.
“Huwag n’yo na (ako) tanungin about Kris kasi lumalaki lang. Alam n’yo yung lumalaki lang ng walang kwenta? Huwag na. Tahimik na lang kaming dalawa.â€
Kabilng si Ai-Ai sa Dyesebel na pagbibidahan ni Anne Curtis, Gerald Anderson at Sam Milby.
- Latest