PSN online umabot sa 12.5M ang nagbabasa!
MANILA, Philippines - Pinatunayan ng Pilipino Star NGAYON na hindi lang malaki ang sirkulasyon, malakas din ito sa social media dahil sa rami nang nagbabasa ng online version nito - www.philstar.com/ngayon.
Umabot na sa 12.5 million ang bumisita simula noong 2012 sa website at milyon na rin ang nag-share ng mga istoryang lumabas ayon kay Mr. Angelo L. Gutierrez, chief of editors ng philstar.com.
Kelan nag-umpisa na lumakas ang mga mambabasa sa online ng Pilipino Star NGAYON (PSN)?
“Sa simula pa lang ay marami na ang nagbabasa sa www.philstar.com/ngayon. Lalo itong dumami noong 2012 nang bumaba ang presyo ng internet at online devices na abot kayang mabibili ng mga Pinoy.
Anu-anong mga bansa ang maraming Pinoy readers?
“Pinakamaraming Pinoy readers ng www.philstar.com/ngayon ay nanatiling nasa Pilipinas. Sinusundan ito ng mga Pinoy sa US, Canada at Middle East.â€
Ano ang karaniwang trabaho ng online readers?
“Mga propesyunal sa field ng IT, manufacturing at mga average-income workers.â€
Anong oras sila madalas magbukas ng webpage para magbasa?
“Sa umaga at sa hapon.â€
Anu-anong section ng PSN ang paboritong basahin?
“Paborito nilang basahin ang Balita Ngayon, Showbiz at mga serye tulad ng Halimuyak ni Aya.â€
Sinu-sinong mga artista ang pinaka-sine-search ng fans?
“Walang partikular na artista silang sinusubaybayan. Ang readers ay interesado lang sa mga pinaka mainit na pangyayari sa showbiz tulad ng mga balitang kasalan, hiwalayan, at iskandal.â€
Anong istorya ang pinaka-binasa nila? KontroÂbersiyal ba?
“Binabasa nila ang maiinit na balita tulad ng Pork Barrel Scam, mga update sa Politikong tatakbo sa 2016, mga politiko at showbiz personalities na involved sa mga kontrobersyal na balita.â€
Kaninong column ang pinaka-maraming nagbabasa? Kahit hindi showbiz?
“Pinakamaraming nagbabasa bagong balita sa Balita Ngayon. Sinusundan ito ng showbiz, mga serye at ng sports.â€
Umaabot ba sa milyones ang nagbabasa online ng PSN?
“Umaabot sa 12.5 million na unique na mambabasa mula 2012 hanggang ngayon ang bilang ng sumusubaybay sa www.philstar.com. Tatlong beses nito ang laki ng bilang ng pahinang kanilang binabasa.â€
Anong kontrobersiya ang sinundan/sinusundan nila ang mga nangyayari? Showbiz, news o sports?
“Walang pinipili ang mga mambabasa. Basta nauuna ang balita sa philstar.com/ngayon; ang mga mambabasa ay nakatutok.â€
- Latest