Palakihan uli ng mga artista Judy Ann makikipagbakbakan sa Cinemalaya 2014
Una na naming naisulat na kabilang sina Nora Aunor at Aiko Melendez sa mga artistang may movie sa 2014 Cinemalaya Independent Film Festival. Si Guy ang bida sa Hustisya, entry ni Direk Joel Lamangan sa Director’s Showcase cateÂgory. Si Aiko naman ang bida ni Direk Louie Ignacio sa entry niyang Asintado in the same category.
Interesado na rin ang supporters ng Cinemalaya sa entry ni Direk Jay Altarejos na Kasal at bida sina Polo Ravales at Mhyco Aquino at ang Hari ng Tondo na entry ni Direk Carlitos Siguion-Reyna.
Hindi nagpapahuli sa palakihan ng artista sa New Breed category dahil balitang si Judy Ann Santos ang bida ni Direk Milo Sogueco sa Mariquena. Si AiAi delas Alas naman ang bida ni Direk Nick Olanka sa Ronda.
Mula Aug. 1-10 ang Cinemalaya na mapapanood ang mga entry sa Cultural Center of the Philippines (CCP), pati na rin sa Ayala CiÂnemas.
Chynna at Jeric parehong nai-excite sa Superstar
Kasama ang Kapuso stars na sina ChynÂÂna Ortaleza at Jeric Gonzales sa cast ng Dementia, isa pang pelikula ni Nora Aunor, sa direction ni Perci Intalan. Parehong excited ang dalawa to work with the Superstar na first time nilang makakasama.
Gagampanan ni Chynna ang role ni Olivia na kapatid ni Nora at si Jeric nama’y gagampanan ang role na local ng Batanes na magkakagusto kay Jasmine Curtis Smith na pamangkin naman ni Guy ang role.
Sa March 19, aalis na for Batanes ang first batch ng cast at susunod sa March 21 ang second batch ng cast. Hanggang second week ng April na ang buong cast sa Batanes at doon na tatapusin ang pelikula.
Inaalam namin kung kailan ang playdate ng movie pero hindi pa masabi ng aming tinanong. Nasa cast din sina Yul Servo at Bing Loyzaga.
Manilyn binigyan ng mga leading man na ex-BF lahat
Pumirma na rin pala ng exclusive contract sa GMA 7 si Manilyn Reynes at three years ang pinirmahan nitong kontrata. Ibig sabihin, ang Got to Believe ng ABS-CBN ang last show niya sa labas ng Channel 7 and within three years, sa Kapuso Network lang siya mapapanood.
Napapanood si Manilyn sa Pepito Manaloto at sa April, Monday to Friday na siya mapapanood sa My BFF kasama sina Janno Gibbs and, hopefully, si Keempee de Leon. Maganda ito dahil naging karelasyon ni Manilyn sa totoong buhay ang dalawang aktor at ngayon ay mga kaibigan na niya.
Hindi naman siguro magseselos ang asawa nitong si Aljon Jimenez na mga ex-boyfriend ng asawa ang makakasama sa My BFF. Sayang, kundi lumipat sa TV5 si Ogie Alcasid, baka kasama rin siya sa bagong show.
Gabby naging daan sa ‘pagbabati’ nina G at Joyce
Si Gabby Eigenmann pala ang gumawa ng paraan para magkaayos nasina G Toengi at Joyce Ching na nagkaroon ng isyu nang punahin ng una ang pagtawag sa kanya ng “tita†ng huli.
Kuwento ni Joyce, habang break time sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, dinala siya ni Gabby sa tent ni G. Naunang pumasok si Gabby at ipinaalam sa older actress na may gustong kumausap sa kanya, saka tinawag si Joyce. Natawa na lang daw si G nang makita ang teen star at nag-dialogue ng “ikaw talaga†kay Gabby.
Binati at kinausap ni Joyce si G and after that ay okay na ang dalawa at si Joyce ang pinakamasaya’t magaan daw ang feeling. Magtatapos daw ang Paraiso Ko’y Ikaw na maayos na ang lahat sa kanila ni G.
Mag-ama ang role nina Gabby at Joyce sa show at pati sa totoong buhay ay ginampanan ng aktor ang pagiging ama sa young actress at thankful sa kanya si Joyce.
- Latest