^

PSN Showbiz

Para tahimik Ruffa wala nang komunikasyon kay Ylmaz

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Never pang tumikim ng whitening product noon. Feeling ni Ruffa Gutierrez, hindi nagwo-work sa kanya ang mga produkto. Kaya naman nang subukan niya ang produktong Cosmo Skin ng Bargn Farmaceutici Philippines Co. nina Niño Bautista at John Redentor Gatus, Jr. ng 10 days at nakita ang effect sa skin niya, go agad siya para maging endorser.

Ayon kay Ruffa sa press launch ng produkto, hindi naman totally pampaputi ang Cosmo Skin.

“Well, it’s not about being all white. Siyempre we don’t want to look like a ghost naman, ’di ba? Ayokong maging Casper! Hahaha! It evens your skin tone. Nawawala ang dark spots. This one really evens out your skin. May mga dark spot ka, nawawala siya. Makes it more fair. Ang napansin ko, nawala ’yung dark spots ko. Nawala ’yung konting blemishes from the sun. It’s a very amazing product,” pagmamalaki ni Ruffa sa produkto.

Wala rin daw conflict ang produkto sa pagiging modelo niya ng Belo Medical Clinic.

“No, because for Belo I am endorsing the medical clinic. It’s different from their beauty products. It’s just the clinic,” rason ng host-actress.

Eh nang matanong kung puwede niyang irekomenda ang produkto sa dating asawa na si Ylmaz Bektas, sagot niya, “Why not? He’s dark kasi eh. Hahaha!”

Tutal, nabanggit na rin si Ylmaz, nagsalita na rin si Ruffa sa estado ng relasyon niya sa dating asawa.

“Once in a blue moon, meron kaming communication. Ngayon, no communication. Tatawagan ko siya at bibigyan ng Cosmo Skin! Hahaha!

“But seriously, hindi kami nag-uusap. Maybe because I just want to keep peace.

“Actually, okay naman siya with the kids pero kung hindi naman siya mag-e-effort, ayaw ko naman siyang pilitin, ’di ba? Okay naman “Thank God may Cosmo Skin ako na kumuha sa akin, kayo na nagsusulat sa akin. Kayang-kaya ko namang buhayin ang mga anak ko kahit wala siyang binibigay. And they go to international schools.

“So, thank you for helping educate my kids, Mr. Red and Mr. Niño!” pagmamalaki ni Ruffa.

After ng launch, magsisimula nang mag-cruise ngayong araw na ito ang Gutierrez family para sa reality show nilang It Takes Gutz to be a Gutierrez sa Asian countries.

BARGN FARMACEUTICI PHILIPPINES CO

BELO I

BELO MEDICAL CLINIC

COSMO SKIN

HAHAHA

IT TAKES GUTZ

JOHN REDENTOR GATUS

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with