^

PSN Showbiz

Toni tinutuldukan na ang pakikipagtrabaho kay Piolo

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Matapos maging certified blockbuster hit ng pelikulang Starting Over Again nina Piolo Pascual at Toni Gonzaga ay isang album naman ang nakatakdang gawin ng aktres.

“Actually, we started the album last year pa kaya lang because of the schedule and demand na kailangang tapusin ang pelikula, na-hold ang mga song na dapat i-record. Ang target talagang release ng album ay November of last year. We are really, really happy na after ng movie ay saka siya mare-release,” bungad ni Toni.

“So far wala pa siyang working title but overall it’s a feel good album. Something that is easy listening. You can play it in the car. Basta kung gusto mo ng album na mase-set ka sa good mood, you want to smile, have a good day, ’yun ang feel ng buong album. Actually, we are almost done sa album. I think one last song na lang and we are go to release.”

Marami ang nagtatanong kung magkakaroon ba ng part two ang kanilang pelikula ni Piolo. Payag kaya si Toni na muling makatambal ang aktor?

“Kami ni PJ (Piolo) pinag-uusapan namin ’yan. Personally, ayaw na namin. Parang gusto na namin siyang tapusin nang ganoon. Masyadong mada­ming pinagdaanan ang characters nila. Masakit, masyadong malalim ang alaala na binuo nila, parang gusto naming tapusin doon. Pero, siyempre, everything is depende sa management kung ano ang desisyon nila,” paliwanag ng aktres.   

Diego mangbu-bully para mainis ang manonood

Matagal-tagal ding hindi napanood sa telebisyon ang anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Montano. Kasabayan ng binata noon sa youth-oriented show na Growing Up sina Julia Montes, Kathryn Bernardo, at Daniel Padilla. Pansamantalang nawala si Diego at ngayon ay mu­ling magbabalik sa teleseryeng Mira Bella na pinagbibidahan nina Julia Barretto at Enrique Gil. Wala namang pinagsisisihan ang aktor kung matagal man siyang hindi nakagawa ng mga proyekto.

“I don’t regret anything. Everything happens for a reason naman po. I’m so happy for them. Lagi kong nakikita sa Twitter, sa TV, sina Kathryn at Daniel. I’m so happy for you guys. Sana nakasabayan ko sila. We all have our own time naman to shine,” nakangi­ting pahayag ni Diego.

Pinayuhan daw ang binata ng kanyang mga magulang na tapusin muna ang pag-aaral bago muling sumabak sa show business. Isang kontrabida raw ang gagampanan ni Diego sa bagong serye.

“I’m one of the boys. Kakaiba ’yung role ko roon. Hindi na ako boy next door. Medyo bad guy ako roon. It’s a high school setting, bully siya. Gusto ko talaga mainis ’yung mga manonood sa akin. Inaabangan ko nga po ’yun,” pagtatapos ni Diego. Reports from JAMES C. CANTOS

                   

 

ALBUM

CESAR MONTANO

DANIEL PADILLA

DIEGO MONTANO

ENRIQUE GIL

GROWING UP

JULIA BARRETTO

JULIA MONTES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with