^

PSN Showbiz

Venus nagpaplanong magturo at mag-serve sa community

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Simula sa Marso 23, 9:30 a.m., on GMA News TV ay mapapanood ang bagong travel show na Business Flight to be hosted by former beauty queen Venus Raj at ang successful businesswoman na si Cristina Decena na siya ring producer ng nasabing programa. Isa itong inspirational travel show na magpapakita ng iba’t ibang buhay ng ating mga kababayan sa iba’t ibang bansa.

Gustung-gusto ni Venus ang konsepto ng programa dahil bukod sa nakakarating sila sa iba’t ibang bansa, marami siyang nadi-discover at natututunan along the way. Natutuwa rin siya sa success story ng marami nating mga kababayan na nakipagsapalaran sa ibang lugar.

Venus is now sporting a short hair dahil summer at hindi dahil nagrerebelde sa breakup nila ni Andrei Felix na kasamahan din niya dati sa Umagang Kay Ganda.

Kahit nagtapos ng journalism si Venus sa University of Bicol, nag-aaral naman siya ngayon ng community development sa University of the Philippines. Plano ni Venus na magturo at tumulong sa iba’t ibang community service.

Denise, Yeng, at Erich mga engaged pero hindi pa plantsado ang kasal

Tatlo na sa mga kilalang showbiz personalities ang engaged to be married sa kanilang non-showbiz boyfriends – sina Denise Laurel, Erich Gonzales, and Yeng Constantino pero wala pang final plans sa mangyayari sa kanilang kasalan.

Veteran actress and MOWELFUND president Boots Anson-Roa is also engaged to be married kay Atty. King Rodrigo at ito’y mangyayari sa Bishop Palace sa Mandaluyong City on June 14 na ika-75th birthday ng groom to be.

Ikakasal na rin ngayong May ang magkasinta­hang Jericho Rosales at Kim Jones sa pamama­gitan ng isang beach wedding sa Boracay. Ang long-time sweethearts na sina Drew Arellano at Iya Villania ang first celebrity couple to get married last Jan. 31. For sure, there are more celebrity engagement announcements to come.

Sharon inaabangan nang makipagbalikan kay Richard

Kung naging maganda ang reception sa balik-tambalan nina Richard Gomez at Dawn Zulueta sa pamama­gitan ng hit na teleseryeng Walang Hang­gan, masusubukan naman ang pagtanggap ng mga manonood sa balik-tam­balan nina Richard at Sharon Cuneta sa tawa-seryeng My Pirated Family sa TV5.

As what everyone knows, naging ex-girlfriend sina Dawn at Sharon na parehong may kanya-kanya nang pamilya ngayon, ganun din naman si Goma.

Sina Sharon at Richard ay huling nagkasama sa pelikulang Walang Kapalit and that was more than 10 years ago.

 

vuukle comment

ANDREI FELIX

BISHOP PALACE

BOOTS ANSON-ROA

BUSINESS FLIGHT

CRISTINA DECENA

DAWN ZULUETA

DENISE LAUREL

DREW ARELLANO

ERICH GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with