^

PSN Showbiz

Tatlong palabas ng network naka-hold, mga bidang aktres nganga

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

On hold ang three shows ng isang network and as of yesterday wala pang balita kung kailan ang airing. Excited pa naman ang isang cast member ng isa sa mga show sa malapit na airing nila dahil mapapanood na raw siya. First show ito ng aktres, ’tapos hindi pa muna matutuloy ang airing.

Sobrang masaya rin sana ang isa pang talent na aktres na bida sa isang show na hindi muna eere dahil chance na raw niyang ipakitang kaya niya ang different characters na gagampanan sa pagbibidahang serye.

Ang sabi, pinag-aaralan pa ng husto ng sales de­part­­ment ng network kung mabebenta sa advertisers ang show bago payagang umere. Pansamantala, tigil muna ang taping ng shows ng network.

Isa lang sa mga bagong show ng network ang tuluy-tuloy ang taping at hindi kasali sa mga na-on hold. Siguro dahil naniniwala at nagtitiwala ang sales department na magugustuhan ito ng advertisers at viewers na rin.

Ang contract talents ng network na kasama sa three shows na tigil muna ang taping at wala pang airing date ang apektado nito. Paano sila kung wala silang trabaho at walang exposure?

 Malaking problema nga ito at ang masaklap pa, dahil exclusive ang kontrata ng mga ito sa network, hindi sila puwedeng lumabas sa ibang network.

Gabby nagbigay ng dagdag pressure kay James

Nakikita naming hindi pang-promo sa movie nilang Diary of Panget ang closeness nina Nadine Lustre, James Reid, Andre Paras, at Yassi Pressman, genuine ang pagkagusto nila sa company ng bawat isa.

Sabagay, paano ba namang hindi magiging close ang apat kung halos araw-araw silang magkakasama sa shooting? Sa shooting nga sa Lyceum of the Philippines University, wala silang uwian and for five straight days ay nagsu-shooting sila. Araw at gabi sila magkakasama.

Puring-puri ng apat si Direk Andoy Ranay na masayang director, hindi sumi­sigaw, at binibiro sila para hindi kabahan. Ang problema ni James, hindi sinasabi ni Direk Andoy kung okay ang ginawa niya sa eksena, titingnan ka lang daw at alam na niya sa expression nito if he did well.

May special participation si Gabby Concepcion sa movie na showing sa April 2 bilang ama ni James. Alam nitong magaling at sikat na artista si Gabby kaya napi-pressure ang young actor.

  In fact, pressured ang apat sa nalalapit na showing ng kanilang movie lalo’t si Yassi lang ang may experience sa paggawa ng pelikula. Wish ng apat, ’yung 12 million na nakabasa ng libro ay manood din ng Diary ng Panget.

Parents imbitado sa art exhibit ni Heart?

Na-announce ni Heart Evangelista sa kanyang Instagram (IG) ang kanyang art exhibit scheduled on May 8 to 21 sa Art Space sa tabi ng Ayala Museum, Makati City. Tinawag niyang hARTattack ang exhibit na first time niyang ipakikita sa tao ang kanyang paintings.

Sabi ni Heart, susunod na ang pami­migay niya ng invites sa mga iimbitahan sa kanyang art exhibit. Siguradong imbitado ng aktres sa first art exhibit niya ang kanyang parents at magandang eksena kung dumating ang kanyang ama at ina sa special day niya.

Ang siguradong dadalo ay ang boyfriend niyang si Sen. Chiz Escudero at close friends na sina Lovi Poe, Alessandra de Rossi, at mga kaibigan sa GMA Network.

Jessa napapagod sa kakagalit

Ipinapakita na ang mga eksena ni Jes­sa Zara­goza sa Paraiso Ko’y Ikaw na sobra niyang inaapi si Kim Rodri­guez. Tiyak na nagre-react ang anak nitong si Jayda at baka hindi lang twice na sabihin sa ina ang “Mom, you’re sooo mean.”

Kahit ipinaliwanag na ni Jessa na tra­ba­ho lang ang kanyang ginagawa at kontrabida ang role niya, ayaw pa ring papigil ang anak sa pagre-react. First time magkontrabida ni Jessa at kahit napapagod dahil lagi siyang galit sa eksena, nag-i-enjoy siya.

She doesn’t mind kung bigyan uli siya ng GMA 7 ng kontrabida role sa susunod kung malakas naman ang impact sa viewers. Saka, pambalanse niya ang role ni Didi sa Pepito Manaloto na nagpapatawa sa audience.

 

vuukle comment

ANDRE PARAS

ART SPACE

AYALA MUSEUM

JESSA

KUNG

NETWORK

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with