^

PSN Showbiz

Ayaw sagutin kung virgin pa Meg mas gustong panindigan na hindi retokada ang boobs!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumaan sa butas ng karayom si Meg Imperial upang mapunta sa kanya ang role niya bilang Ayla sa Moon of Desire na nakatakdang pumalit sa Galema sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN. Personal siyang pinili ni Charo Santos-Concio, ABS-CBN president upang gumanap sa role dahil sa natata­nging ganda ng mukha ng young actress.

Now tapos na ang panahon ni Meg na pa­ssersby, extra, bit player ay suporta after 11 years. Na-launch man siya ng Viva Films sa pelikulang Menor de Edad, ang Moon of Desire ang magsisilbing pasaporte niya sa stardom.

Seksi ang dating, pero ang magiging kakaiba sa series ni Meg ay ang pagtubo sa kanya ng balahibo na parang gorilla, huh! Eh sa tatlong lalaki niya na sina JC de Vera, Dominic Roque, at baguhang si Miko Raval.

Ayon kay Meg, ang pagiging seksing inosente ang isa sa magiging bentahe ng series upang ma­ging kaakit-akit ang dating niya.

“Ako po naniniwala na ang sexiness ay hindi lang sa pisikal na kaanyuan. Puwedeng ang basehan niyan ay the way you carry yourself at paano maki­pag-usap. Paano ka gumalaw. Puwede ring sexy sa pagsasayaw.

“Hindi ibig sabihin na ’pag sinabihan kang sexy ka, sexy ka na rin po sa pahuhubad sa magazine na sexy or anything po. Ibig kong sabihin doon, kahit na sino, sabihin nating Sarah Geronimo. She’s sexy pero never naman siyang naghubad. So, nandoon ’yung innocent look sa pagiging sexy niya!

“Makikita mong sexy siya. Walang bahid ng ano pero mapi-feel mo ’yung aura niya na sexy talaga!” paliwanag ni Meg sa pocket presscon niya.

So, paano niya mapapaniwalang virgin pa siya at wala pang experience?

“Hindi naman po. Gusto ko nang iwan sa kanila ang pag-iisip na gano’n. Ayokong sumagot na virgin pa ako kasi sasabihin nilang antipatika ako.

“Ayoko ring sumagot na no kasi sasabihin nilang malandi po ako. Hahaha!

“Kaya huwag na lang po akong sumagot, ’di ba, po? Abangan na lang nila ’yung Moon of Desire kung paano po ang magiging takbo nun. Kung ano po ’yung sinasabi kong innocent yet sexy! Kasi makikita’t makikita nila roon dahil ’yun po ang character ni Ayla.

“Hindi po siya malandi pero makikita mo sa kanyang galaw na sexy po siya,” paliwanag ng young actress.

Kung merong ipinagmamalaki si Meg sa pisikal na bahagi ng katawan, isa na roon ang boobs niya na pinaninindigan niyang walang retoke, huh!

Bilang pampadagdag sa init sa hapon na dala ng Moon of Desire, makakalaban ni Meg si Ellen Adarna sa paglalandi sa tatlong leading men na sina JC, Dominic, at Miko. Mula ito sa direksiyon ni FM Reyes.

Bossing ‘pinagkumpisal’ si Wally

Alaskado na naman si Wally Bayola sa segment ng Juan for All, All for Juan ng Eat Bulaga kahapon. Isang acoustic singer kasi ang napiling bigyan ng regalo ng programa.

Eh humiling ng kanta si Bossing sa tinawagang contestant at ang kanta na Lord, Patawad ang request niya. Agad namang kinanta ’yon ni Jose Manalo habang nagda-drums sa isang tabi si Wally.

Pinatigil ni Vic si Jose sa pagkanta. Inginuso niya na si Wally ang kumanta ng request niya. Walang choice si Wally kundi sundin ang pagkanta niya ng Lord, Patawad na ikinatuwa ng nasa studio pati na ang mga tao sa loob ng bahay ng contestant!

Of course, birong kapatid lang ang ginawa ni Bossing kay Wally na unti-unti na ring nabubuo ang confidence bilang Dabarkads. But take note na nung isalang si Wally sa Celebrity Bluff taping matapos ang iskandalo niya, muling dinaga sa dibdib ang komedyante dahil hindi na EB Dabarkads ang karamihan sa kasama niya sa game show.

AYLA

CELEBRITY BLUFF

CHARO SANTOS-CONCIO

DABARKADS

DOMINIC ROQUE

EAT BULAGA

MOON OF DESIRE

NIYA

SEXY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with