Vice sa best actor award: Hindi ako nandaya
MANILA, Philippines – Binasag ng komedyanteng si Vice Ganda ang katahimikan sa isyu ng pagbili umano sa best actor award mula sa 30th PMPC Star Awards for Movies.
Hindi direktang sinabi ni Vice na hindi siya nandaya ngunit ginamit niya ang mismong tropeo upang ipakita sa mundong karapatdapat nga siyang kilalaning Best Actor.
“Ayoko nang masyadong magbigay pa ng statement,†wika ni Vice sa kanyang noontime show na “It’s Showtime†sa ABS-CBN. “Nung nabasa ko nga, sinabi sa akin, natawa ako, tumahimik lang ako. Sabi ko, kung kakausapin ko ang konsensiya ko, ano kaya ang sasabihin ng konsensiya ko sa akin?â€
Kaugnay na balita: Best actor ni Vice sa PMPC binayaran - Sucaldito
“Sabi ng konsensiya ko sa akin, ‘Kung nandaya ka, ibalik mo ang award. Kung hindi ka nandaya, yakapin mo ang award,’†dagdag ng komedyante.
“Ito ang award,†banggit ni Vice habang yakap-yakap ang tropeo.
Ito ang naging reaksyon ni Vice sa pahayag ng showbiz columnist na si Jobert Sucaldito na nagkaroon daw ng dayaan sa Star Awards.
Kaugnay na balita: PMPC: Best Actor ni Vice 'di bayad
Aniya pinangakuan daw siya ng pamunuan ng PMPC na ang manok niyang si Laguna Governor ER Ejercito ang mananalo kaya naman nangutang pa siya upang matupad ito.
“Nakakaloka ang PMPC Star Awards for Movies na ginanap kagabi sa Solaire. Niloko ako ng ilang members ng PMPC - pinaniwala ako that they will vote for my baby Jeorge Estregan for Best Actor for his sterling performance sa pelikulang Boy Golden,†pahayag ni Jobert sa kanyang Facebook account nitong kamakalawa.
“Nakakaloka lang dahil papaano nangyaring natalo ako when many of them committed with me for Jeorge Estregan,†dagdag ng radio anchor.
Samantala, naglabas na rin ng pahayag ang PMPC na pinasisinungalingan din ang sinasabi ni Sucaldito.
"The voting members gave their utmost trust and confidence to the winners in their respective categories, thereby making the results final, incontestable, and sacred,†sabi ng PMPC.
“There will be forces that will try to destroy the credibility and reputation of the club, but the PMPC will remain committed to its objectives, and no amount of intimidation and coercion can shake its foundation.â€
- Latest