^

PSN Showbiz

Angel, Jennylyn, Marian walang effort sawayin ang fans na nanggigiyera

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Tila wala man lang effort ang mga artistang sina Jennylyn Mercado, Luis Manzano, at Angel Locsin sa pag-away ng kanilang fans lalo na sa social media. But then hindi lamang sila ang may fans na nangunguna sa pagtatanggol sa kanilang mga idolo, ewan nga lang kung may pahintulot sila ng mga artistang kanilang kinakatawan.

Ang mga tagahanga ni Kim Chiu ay tila hindi pa napapatawad si Gerald Anderson sa ginawa nitong pakikipaghiwalay kay Kim. Kaya naman ma­ging ang bago nitong girlfriend na si Maja Salvador ay tumatanggap na rin ng kanilang kalupitan.

Patuloy din sa pag-away ang fans nina Marian Rivera at Heart Evangelista kahit hindi na pinapansin ng una ang mga patutsada ng huli. At kahit pa gusto nang manahimik ni Marian, hindi niya magawa dahil patuloy sa kanilang giyera ang fans niya laban sa inaakala nilang kaaway niya. Nakapagtataka lang kung bakit tila hindi mapigil sa kanilang pagi­ging war freak ang fans. Dahil ba hindi sila pinagbabawalan ng sinusuportahan nilang artista? Dahil kung pinagbabawalan sila ay bakit ayaw nilang tumigil?

Si Jennylyn ay punding-pundi na sa pagpigil na mag-react sa provocation ng fans sa sinasabing pag­papakasal nina Luis at Angel. Ano nga ba naman ang inaasahan nilang dapat niyang ma­ging dam­damin o ikilos? Would it suffice kung makita nila siyang nagpapadyak o nag-iiyak? Aba, maski na sa pelikula ay hindi na ’yun inaasal ng mga disenteng tao. Mas dapat pabonggahin pa niya at imintina ang ma­galing niyang acting sa Rhodora X na gustong malaman ng lahat kung anong inspirasyon ang nakukuha niya para siya maging ganun kagaling na artista. ’Yun din kaya ang inspirasyon nina Angel at Maja para ma­ging magaling din at magampanan ng buong husay ang mga role nila sa The Legal Wife?

Dr. Vicki nakalimot sa totoong kasalanan ni Hayden

Gusto ko lang mag-react sa isang naging paha­yag ni Dr. Vicki Belo sa pagkawala ng lisensiya si Hayden Kho, Jr. dahilan  â€œlamang” daw sa lumabas nitong sex video. Babae rin siya, ganun din kaya ang maging reaksiyon niya kung isa siya sa mga nakapareha nito sa pinagpistahang sex video? Mabuti na lamang at nakabangon ang mga “babae” ni Hayden at hindi naibaon sa putikan ng mga malaswang panoorin. Ang tanging kasalanan nila ay maging bahagi lamang ng mga sex video.

Hindi raw matter of national importance, say pa ni Dr. Belo, ’yung nangyari sa ipinagtatanggol niyang doctor. Hindi nga ba? Payag naman daw ang mga nakapareha ni Hayden sa kanilang ginawa pero ’yun ba ng isyu? Hindi naman ang sexual act kundi ang paglalagay nito sa video for everyone to see. At kahit walang kinalaman si Hayden sa pagkalat nito, ang pinana­nagutan niya ay ang pagbi-video nito at ang pagkalat nito, may kinalaman man siya o wala.

And come to think of it, nag-sorry na ba si Hayden sa mga pinagkasalahan niya at maging sa madlang pipol na na-offend sa napanood nila?

 

AiAi na-busy sa paglalandi kay Dennis, nakalimutang mag-TY kay Direk Wenn

Hindi si AiAi delas Alas ang nag-blush sa na­ging biruan nila ng mga kapwa niya Dekada awardees sa stage ng katatapos na 30th Star Awards for Movie kundi ang isa sa mga napiling Dekada actor na si Dennis Trillo. Nagkatabi kasi ng upuan ang dalawa at kung kilala natin si AiAi, she took advantage of the situation at “hinarot” ang Kapuso actor nung nasa stage na sila.

At dahil kilala si AiAi na mahilig sa mga ba­gets, naniwala at naaliw ang audience sa kanilang na­­panood. Tuloy napasalamatan nga ng komed­ya­na ang lahat ng dapat niyang pasalamatan pero na­kal­imutan niya si Wenn Deramas, ang direktor ng lahat ng Tanging Ina series na siyang nagbigay sa kanya ng maraming panalo para mapili siyang Dekada awardee.

 

Nora pinayuhang mag-ipon ni Coco

Hindi nahihiya si Nora Aunor na sabihin na na­­ka­kakuha siya ng magagandang payo sa mga naka­babatang artista na nakakasama niya nga­yon sa trabaho. Tulad ni Coco Martin na walang pre­nong nagpayo sa kanya na mag-ipon para kapag du­marating ang pangangailangan ay hindi siya mam­roblema.  

Natatawa lamang ang Superstar nang sabihin ito sa ilang press na nag-ambush sa kanya sa katatapos na Star Awards for Movies na kung saan ay siya ang personal na nagkaloob ng Ulirang Artista Award ni Rustica Carpio.

vuukle comment

DEKADA

HAYDEN

KANILANG

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with