Louise nakikipagpukpukan sa kampo ni Kim
Pukpukan ang labanan ng programa ng GMA at ABS-CBN ngayon. Nagsimula nang umere ang Kambal Sirena katapat ng Honesto at kumukuha rin ng malaking bahagi ng oras ang nagsimulang Ikaw Lamang ng Dos.
Parehong marami ang nanonood ng Ikaw lamang at Kambal Sirena dahil gustong maÂlaÂman ng manonood kung may ibubuga ang mga palabas at karapat-dapat na sundan at panoorin.
Mga bata pa ang mga character nina Coco, Kim, Julia, at Jake sa pagsisimula ng Ikaw Lamang pero nakatakda pa lamang na isilang sa mundo sina Alona at Perlas, ang kambal na anak ng mga chaÂracter nina Mickey Ferriols at Yul Servo. Gaganap sa paglaki ng kambal si Louise delos Reyes.
Napakagagaling naman nina Angel, Maja, at Jericho sa The Legal Wife pero hindi rin matatawaran si Jennylyn Mercado bilang Rhodora X.
Buti na lang ako, dala-dalawa ang TV sa kuwarto, pareho kong napapanood ang magkakasabay na palabas. Kung magkakaro’n pa ng ikatlong programa, sorry na lang, ’di ko na kayang panoorin.
Dahil sa ‘bilihan’, official statement ng PMPC kailangan
Ano itong nababalitaan kong bilihan ng awards sa Star Awards for MoÂvies? Totoo ba ito?! Sana hindi dahil nakaka-30 years na ang grupo ng Philippine Movie Press Club (PMPC) sa kanilang pagkilala sa mga pinakamagagaling hindi lamang sa pelikula kundi maging sa TV at musika.
I’m sure may paliwanag dito ang PMPC. Tulad ng pagbabayad diuÂmaÂno ng publicist man ni Gov. ER EjerÂcito pero hindi naman ito naÂnalo. Tinanggap ba ng mga binaÂyaran niya ang pera? Paano kung tinanggap nila ang bayad pero hindi nila ito ibinoto dahil nakunsensiya sila?
At ang nanalong si Vice Ganda, nagpaandar din ba ng pera? Unfair naman na sabihin na nadaya si Joel Torre lamang dahil ang gagaÂling din nina Dingdong Dantes sa Dance of the Steel Bars, Piolo Pascual para sa On the Job, at Robin Padilla for 10,000 Hours. Hihintayin ko ang opisyal na statement ng PMPC.
Ito naman ay kung hindi sila mauunahan ng friend kong si Veronica Samio who is a most reÂliable source pagdating sa affairs ng PMPC.
KC may dahilan na para ituloy ang pag-aartista
May duda ba ang best actress win ni KC Concepcion? As far as I’m concerned, may “k†siyang manalo. Ang galing niya sa Boy Golden. Deserving siya sa award and she has earned it. Hindi ko nga akalain na makapagbibigay siya ng ganun kagandang performance at nanghihinayang ako na wala siya to accept her very first acting award. I’m sure proud si Mega sa kanya. And mind you, hindi ang panalo niya ang kinukuwestiyon ha?
Congratulations, anak! May iba pang mas maÂganÂdang dahilan para ipagpatuloy mo ang pag-aarÂtista mo.
Direk Peque hinati ang award sa kaibigang si Lore Reyes
Tama nga si Direk Peque Gallaga na i-share ang award niya bilang Alagad ng Sining sa Likod ng Kamera kay Lore Reyes na hindi niya isang assistant kundi partner sa lahat nga proyektong ginawa niya.
Ang panalo niya ay panalo rin nito. Sayang nga at huli na nang ma-realize ito ng PMPC.
- Latest