^

PSN Showbiz

Chiz may ibang plano bago ang 2016, pakasalan si Heart

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Kung ang ibang politiko ay naghahanda para sa pagtakbo sa 2016 national elections, ibang paghahanda naman ang ginagawa ni Senador Francis Escudero.

Inamin ni Escudero na sa kanyang edad na 44-anyos ay nais niyang makasal muli sa kanyang current girlfriend  at Kapuso star na si Heart Evangelista.

"Hindi ho tulad nina Vice President (Jejomar) Binay at Sen. (Alan Peter) Cayetano, mas may pinaghahandaan po ako bago mag-2016," banggit ni Escudero sa isang pulong balitaan.

Pero nilinaw ng senador na hindi pa niya pormal na inaalok si Heart na lumagay na sa tahimik.

"But, of course, we talk about it in broad strokes, that we would want to be there at some point in time. But the actual process of step one, step two, proposal and saying yes, planning, wala pa 'yun," sabi ni Escudero na lumabas sa ulat ng Bombo Radyo.

Marami ang nagulat sa ginawang pag-amin ng dalawa sa kanilang relasyon noong 2012.

Maaalalang nagkaroon ng alitan sa magulang ni Heart na kontra sa relasyon ng kanilang anak sa Senador na may dalawang anak sa unang asawa.

Samantala, nauna nang pinabulaanan ni Heart na live-in na sila ni Escudero.

“We can’t live together. Unless, you know, we get married. And then we’ll live together,” paglilinaw ni ng Kapuso actress sa showbiz show na “Startalk” ng GMA7.

ALAN PETER

BINAY

BOMBO RADYO

CAYETANO

HEART EVANGELISTA

INAMIN

JEJOMAR

KAPUSO

SENADOR FRANCIS ESCUDERO

VICE PRESIDENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with