Yael ng Spongecola ikukuwento kung paano nag-propose kay Karylle
MANILA, Philippines - Ang bandang nagpasikat ng Jeepney, Crazy for You, Gemini, at marami pang ibang kanta – Spongecola - mas makikilala na sa isang gabi ng rakrakan sa Tonight with Arnold “Igan†Clavio ngayong Miyerkules sa GMA News TV.
Marami raw humahanga at kinikilig sa mga rakistang ito pero sorry na lang sa girls dahil ang karamihan sa mga miyembro ng Spongecola ay “taken†na.
Gaya na lang ng bokalistang si Yael Yuzon na nakatakda nang ikasal sa singer na si Karylle.
Katunayan, ikukuwento ni Yael kay Igan kung paano siya nag-propose sa kanyang fiancée.
Pero bakit nga ba “point guard†daw ang turing ni Yael sa kanyang sarili? Habang Si Reynaldo “Gosh†Dilay naman na kanilang bassist, totoo nga bang King of Smiles din ang bansag?
Ano naman ang bansag kina Ted Cruz na drummer at Erwin Armovit na lead guitarist?
Rakrakan, usapang musika, at iba pa ngayong Miyerkules, March 12, sa Tonight With Arnold Clavio, 10:15 p.m. sa GMA News TV.
- Latest