^

PSN Showbiz

Mga batang kumayod agad iimbestigahan ni Mother Ricky

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tutok lang sa Gandang Ricky Reyes Todo Na Toh (GRR TNT) sa GMA News TV dahil isang espesyal na panoorin ang sasainyo ngayong Sabado alas-nuwebe hanggang alas-diyes ng umaga.

Dalawang tinaguriang “child wonder” ng Philippine cinema ang sorpresang makakapanayam ni Mader Ricky. Malalaman natin mula sa kanila kung ‘di ba naapektuhan ng kanilang pagtatrabaho sa murang edad ang kanilang paglaki at kabataan? Nagsisisi ba sila na ‘di natikman ang karaniwang ginagawa ng mga bata tulad ng paglalaro, regular na pagpasok sa eskwela at pakikibarkada sa mga kaedad dahil agad nasabak sa harap ng kamera?

Ilan sa mga child superstars ng kanilang hene­rasyon sina Tessie Agana, Snooky Serna, Niño Muhlach, Matet de Leon, Serena Darlymple. Camille Prats, Angelica Panganiban, at Aiza Seguerra. Masasagot ba nila ang tanong na – masarap bang maging bata?

Tampok din sa GRR TNT ang isang 25 anyos na binata na kahit sa murang edad ay nagkaroon ng “autism” ay nagpakita ng kahenyuhan sa pagtugtog ng iba-ibang musical instruments. 

Ipapakita naman ni Mader ang iba-ibang paraan ng “rejuvenation” o prosesong pampabata.  Siyempre pa, maraming tao lalo na mga babae ang nagnanais maging “forever ganda.”

vuukle comment

AIZA SEGUERRA

ANGELICA PANGANIBAN

CAMILLE PRATS

GANDANG RICKY REYES TODO NA TOH

MADER RICKY

SERENA DARLYMPLE

SNOOKY SERNA

TESSIE AGANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with