^

PSN Showbiz

Mike Enriquez hindi tinatantanan ng diabetes

Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Isang makabuluhang talakayan tungkol sa kalusugan at mga sikreto ng Kapuso broadcast journa­list na si Mike Enriquez at veteran actor na si Jes­toni Alarcon ang mapapanood ngayong Sabado ng umaga sa Pinoy MD. 

Tinatayang isa sa bawat limang Pilipino ang pi­nahihirapan ng sakit na diabetes. Ayon sa Philippine Diabetes Association, walang pinipili ang pre-diabetes o kaya ang diabetes. Pati nga ang matapang at hinahangaang broadcaster na si Mike Enriquez, hin­di tinantanan ng karamdamang ito.

Maraming mga gamot na puwedeng inumin para makontrol ang sakit na ito. Pero para mas maging epek­tibo pa ang mga gamot na ito, makatutulong kung gagawin ang ilang mga natural na paraan para mapababa ang blood sugar level sa katawan. Isa sa mga sikreto ni Mike ang regular niyang page-eher­sisyo.  Abangan ang iba pang tips ng mga eksperto ngayong Sabado.

Mestizo at matipuno, naging madali raw para kay Jestoni Alarcon na mapasok sa show business.  Noong dekada otsenta, pinakilig niya ang mga kababaihan dahil sa kanyang “boy-next-door” roles. Sexy at action star roles naman ang sinubukan niya noong ‘90s at ngayon naman, isa na siyang respetadong dramatic actor.

Marami pa rin ang humahanga sa kanya dahil tila hindi raw siya tumatanda. Ang mga sikretong pangkalusugan ni Jestoni Alarcon sa Healthy si Idol segment.

Pag-uusapan rin sa Pinoy MD ang ilang mga problemang pangkalusugan na hindi halos maita­nong sa doctor kabilang na ang mga pagkirot, pa­nga­ngamoy o pangangati sa ilang maseselang bahagi ng katawan. Bago mapahamak dahil sa hiya, ang Pinoy MD na ang magtatanong ng mga ito sa mga eksperto.

At bilang Serbisyong Totoo sa mga Kapusong ma­lalabo ang mata, handog ng Pinoy MD ang Pro­ject Kalusugan kung saan magbibigay ang prog­ra­ma ng libreng eye check-up at salamin sa mga ka­babayang nangangailangan.

ABANGAN

JESTONI ALARCON

MIKE ENRIQUEZ

PHILIPPINE DIABETES ASSOCIATION

PINOY

SABADO

SERBISYONG TOTOO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with