Kris tanggap na ang bagong GF ni James
Kung masaya si Kris Aquino sa kanyang naÂging desisyon na muling makiÂpagbati sa daÂting mister alang-alang sa kanilang anak na si Bimby, masayang-masaya rin si James Yap dahil okay na sila ng dating misis pagdating sa kanilang anak na si Bimby.
Tanggap na ni Kris na may baÂgong kasintahan ngayon si James, ang Italyanang si Michela Cazzola. Masaya rin si James na in-love muli ang kanyang dating misis.
In fairness kay James, binibigyan niya ng kredito si Kris sa ginagawang pagpapalaki nito sa kaÂnilang anak na si Bimby at kay Joshua (anak ni Kris sa aktor na si Phillip Salvador).
Kung masaya ngayon sina Kris at James sa kinahinatnan ng kanilang legal battle over their son na si Bimby, higit na masaya ang kanilang anak at mga taong malapit sa dating mag-asawa.
Kilala ang Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang pagiging honest at prangka. Although muli niyang inamin on national TV na siya’y in love ngayon, first time hindi nagbigay ng clue si Kris sa tunay na identity ng guy na nagpapasaya sa kanya ngayon. Pero hanggang kelan puwedeng itago ni Kris ang kanyang bagong inspirasyon ngayon? Knowing Kris, it won’t take long at malalaman din ng publiko kung sino ang bagong masuwerte sa puso ng presidential sister.
Mike ‘takot’ sa Dyesebel
Natutuwa ang dating Starstruck 2 alumnus na si Mike Tan na isa siya sa napili bilang isa sa dalawang leading man ni Louise de los Reyes sa bago nitong fantaserye na Kambal Sirena kung saan tampok din ang actor (Starstruck 4) na si Aljur Abrenica.
Hindi ikinakaila ni Mike na malaking pressure sa bumubuo ng cast ng Kambal Sirena ng GMA ang pagkakaroon ng Dyesebel ng ABS-CBN.
- Latest