Aminadong nahihirapan na sa pinagdadaanan Vhong tinuhog ang pagsasampa ng kaso kina Deniece, Cedric, at Roxanne: Sinupalpal ng perjury
PIK: Hindi nakadalo si Robin Padilla sa Appreciation Dinner ng 39th Metro Manila Film Festival na ginanap sa Club Filipino kamakalawa ng gabi.
Siya ang nanalong Best Actor sa nakaraang MMFF, kaya maaring may bawas na ang premyo matatanggap nito.
Maagang dumating ang Best Actress na si Maricel Soriano at masaya ang aura niya dahil balik-trabaho na siya at malapit nang magsimula ang drama series na gagawin niya sa GMA 7.
Kung makakasali man si Maricel sa susunod na MMFF, ang wish daw sana niya ay makakasama na niya si Vic Sotto.
Kahit kausapin pa raw niya si Bossing Vic para maiparating na gusto niyang makasama ang Eat Bulaga host.
PAK: Pumunta na sa MTRCB kahapon ng umaga si Atty. Axel Gonzalez, ang abogado ng lola ni Deniece Cornejo na si Florencia Cornejo para kunin ang kopya ng response ng naturang ahensya sa idinulog nilang reklamo laban sa ilang programa ng ABS-CBN 2 na ginagawang katatawanan daw si Deniece.
Ipinarating na rin ang atensyon sa mga executives ng ABS-CBN 2 particularly sa mga programang It’s Showtime, Gandang-Gabi Vice, at Banana Nite.
Hindi pa masasabi ng mga taga-MTRCB kung magkakaroon pa nang paghaharap, pero ang mahalaga ay ipinaraÂting na ito sa mga inireklamong programa ng lola ni Deniece.
BOOM: Pinagkaguluhan si Vhong Navarro sa Pasig-Regional Trial Court kahapon ng hapon.
Isinumite na niya ang kanyang counter-affidavit at sinumpaan kay Asst. City Prosecutor Maria Benet Santos-Madamba.
Ito bale ang sagot niya sa isinampang kasong Rape ni Roxanne CabaÂñero laban sa kanya.
Doon na rin niya isinampa ang kasong Perjury laban kay Roxanne dahil sa mga paiba-ibang statement nito na ayon sa actor/TV host pawang kasinungalingan ito.
Kasama ni Vhong ang ilang dancers ng Streetboys, ang producer ng show ni Vice Ganda sa Cavite, ang kanyang kapatid na si Fercedan NavarÂro na tumayong witness sa mga isinumiteng salaysay.
Doon nila sinumpaan na wala si Vhong sa mga araw at oras na sinasabi ni Roxanne na diumano’y hinalay siya.
Pagkatapos sa Pasig-RTC, tumuloy sina Vhong sa Manila Prosecutor’s Office para isampa naman ang kasong Perjury laban kina Deniece Cornejo, Cedric Lee, Bernice Lee, at ang iba pang kasamahan nilang sangkot sa pambubugbog kay Vhong.
Sabi ni Atty. Alma Mallonga, legal counsel ni Vhong, hindi masaya ang aktor sa ginagawa niya at nahirapan na ito sa mga pinagdaanan niya.
Sabi naman ni Vhong, pinipilit daw niyang maging normal ang takbo ng buhay niya. Pero gusto na raw sana niyang makabalik sa trabaho, Pero mahirap pa rin ang seguridad nito kaya hindi pa raw nila alam kung kailan makakabalik sa trabaho si Vhong.
- Latest