^

PSN Showbiz

Token abala sa pagtulong

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang kakaibang “praise” concert for a cause ang itatanghal sa March 22, 7:30 p.m., sa Teatrino Greenhills, sa San Juan City sa pamamagitan ng Token of Love. Lahat kasi ng proceeds nito ay mapupunta sa Holy Family Home Bacolod Foundation, Inc. ng Capuchin Tertiary Sisters ng Bacolod City, Negros Occidental.

Tampok sa concert si Token Lizares kasama ang special guests na sina Richard Poon, German “Kuya Germs” Moreno, Michael Pangilinan, Prima Diva Billy, Niza Limjap, A. J. Tamisa, at Le Chazz, sa musical direction ni Butch Miraflor. Ang front act ay si Alex Datu. Mapupuno ng pagmamahal at papuri ang mga kanta sa concert.

Ang kikitain ay maitutulong sa pagpapagawa ng extension ng center para sa mga babaeng nasa kolehiyo na at kinukupkop ng foundation ng mga madre. Karamihan sa kanila ay mga inabandona o ulila na. Ang Capuchin Tertiary Sisters ng Holy Family Home ay kabilang sa Franciscan-Amigonian Spirituality. May lisensiya at accredited ito ng Department of Social Welfare and Development.

Hindi na mabilang ang charity concert na ginawa ni Token para magtuluy-tuloy ang pagtulong sa mga nangangailangan.

ALEX DATU

ANG CAPUCHIN TERTIARY SISTERS

BACOLOD CITY

BUTCH MIRAFLOR

CAPUCHIN TERTIARY SISTERS

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

FRANCISCAN-AMIGONIAN SPIRITUALITY

HOLY FAMILY HOME

HOLY FAMILY HOME BACOLOD FOUNDATION

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with