^

PSN Showbiz

Galema: Anak ni Zuma magwawakas na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dumagundong ang hiyawan at tilian sa Melvin Jones Park sa Baguio City noong Sabado (Marso 1) sa pagdagsa ng 25,000 fans sa espesyal na Kapamilya Karavan ng ABS-CBN na pinangunahan ng Be Careful With My Heart love team na sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap, at Galema: Anak ni Zuma lead stars na sina Andi Eigenmann at Matteo Guidicelli.

Pinakilig nina Jodi, Richard, Andi, at Matteo sa mga handog nilang romantic production number at sorpresa para sa lahat ng Kapamilya viewers na araw-araw na sinusubaybayan ang pag-iibigan nina Maya (Jodi) at Ser Chief (Richard), at Galema (Andi) at Morgan (Matteo).

Nagbigay-saya rin sa Kapamilya Karavan sa Baguio sina Jerome Ponce, Marlo Mortel, Tart Carlos, at Viveika Ravanes ng Be Careful With My Heart at Bryan Santos ng Galema: Anak ni Zuma.

Ang Kapamilya Karavan sa Baguio ay inihandog ng ABS-CBN Regional Network Group sa lahat ng Kapamilya viewers na ipinagdiwang ang taunang Panagbenga Flower Festival.

Samantala, patuloy na tutukan ang mas gumagandang tagpo sa Be Careful With My Heart lalo na ngayong nalalapit na ang paglabas ng ‘baby kambal’ nina Maya at Ser Chief. Handa na bang maging magulang ang mag-sweethearts?

Tumitindi naman ang hidwaan sa pagitan ng mga karakter sa Galema: Anak ni Zuma dahil sa aksidenteng pagkakatuklaw ni Sofia (ang anak na ahas nina Galema at Morgan) sa lalaking pakakasalan dapat ni Gina (Meg Imperial). Mauulit ba kay Sofia ang lahat ng mapait na dinanas ni Galema?

vuukle comment

ANAK

ANDI

ANDI EIGENMANN

ANG KAPAMILYA KARAVAN

BAGUIO CITY

BE CAREFUL WITH MY HEART

GALEMA

KAPAMILYA KARAVAN

SER CHIEF

ZUMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with