^

PSN Showbiz

Honesto hindi natibag sa NO. 1 pero tuloy ang pagbabu

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanguna pala ang mga programa ng ABS-CBN sa buong bansa noong Pebrero matapos itong pumalo sa average national audience share na 45%, o 13 puntos ang lamang sa 32% ng GMA, base sa datos ng Kantar Media.

Noong nakaraang buwan rin ay napanatili ng ABS-CBN ang pamamayagpag nito sa iba’t ibang panig ng bansa tulad na lang sa Balance Luzon (mga lugar sa Luzon na nasa labas ng Mega Manila) kung saan tumaas ng dalawang puntos ang average audience share nito mula 45% noong Enero sa 47% ngayong Pebrero. Patuloy din itong hindi matinag sa Visayas at Mindanao kung saan nagtala ito ng average audience share na 58%.

Nananatili pa ring numero uno ang Primetime Bida (6PM-12MN) ng Kapamilya na may 49% average audience share. 

Ang primetime ang pinakamahalagang timeblock dahil sa mga oras na ito may pinakamaraming nanonood.

Honesto pa rin ang nanguna sa listahan ng pinakapinanood na programa sa buong bansa noong buwan ng Pebrero sa national TV rating nito na 32.6%. Sinundan ito ng  Wansapanataym (30.3%) na siya namang numero unong programa tuwing weekend.

Pagdating sa balita, TV Patrol pa rin ang mas sinusubaybayan ng mga Pilipino sa national TV rating na 29.5%.

Sa kabuuan, siyam sa listahan ng top 10 na programang pinakapinanood sa buong bansa noong Pebrero ay mula sa ABS-CBN kabilang ang Got to Believe (29.9%), MMK (29.1%), Bet on Your Baby (28.1%), Annaliza (23.6%),  Rated K  (22.2%), at Home Sweetie Home (22%).

Magtatapos na sa susunod na Linggo ang Honesto at kahit consistent ito sa pagiging numero uno ay hindi na ito pinahaba pa. Papalit sa Honesto ang Dyesebel na pinagbibidahan ni Anne Curtis.

GMA nabili na ng Bossing ng san miguel?

Uy totoo kayang almost done deal na ang usapan sa pagitan ng GMA 7 at ni Mr. Ramon Ang ng San Miguel Corporation?

Mas malaki raw kasi ang ini-offer ng President and CEO ng San Miguel kesa kay Mr. Manny Pa­ngilinan na matagal-tagal na rin nakikipag-negotiate sa mga bossing ng GMA pero parating nauuwi sa wala ang usapan. Kaya wala raw itong pag-asang maging pag-aari ni Mr. Pangilinan na nauna nang kinumpirma sa interview ng Rappler.com na wala ngang nangyari sa usapan sa pagitan nila ng GMA 7 at hindi raw niya alam kung may mangyayari pa. “I am getting tired,” sagot niya sa interview.

Meron nang share sa Solar Entertainment si Mr. Ang.

Malalaman natin ang katotohanan sa mga kuwentong ito kung mismong si Mr. Felipe Gozon, President and CEO of GMA, na ang magsasabi na nagkabayaran na.

Aktres tabu-tabo ang iniluha sa nabuntis na anak

Tabu-tabong luha pala ang iniyak ng isang dating aktres nang mabuntis ang kanyang anak ng isang aktor. Ang sabi ng source, masakit na masakit daw ang loob nito dahil hindi ito ang pinapangarap nitong buhay sa anak na babae sa aktor-pulitiko.

Pinag-aral pa nga naman daw sa ibang bansa at ibinigay ang lahat ng kailangan tapos mabubuntis na wala sa oras.

Pero wala na raw itong magawa dahil in love ang anak. Hindi naman daw mapigilan kaya kahit masama ang loob ay inaalagaan na lang.

Ngayon daw ay madalas makita sa taping ng aktor ang preggy na bagets na anak ni aktres.

Pamilya Gutierrez sa E Channel eere

Finally, na-reveal na kung saang channel ipalalabas ang It Takes Gutz to be a Gutierrez -  E Channel.

Ngayong araw pa lang pormal na magkakaroon ng announcement ang pamilya Gutierrez sa nasabi nilang programa na ipinangangako nilang hindi bibitiw ang manonood dahil sa mga paandar at pasabog ng pamilya nina Tita Annabelle at Tito Eddie.

Matagal naging pahulaan kung saan channel eere ang programa nila.

Ilalabas na kaya nila ang bagong miyembro ng kanilang pa­milya?                                                             

 

ANNE CURTIS

BALANCE LUZON

E CHANNEL

HOME SWEETIE HOME

HONESTO

IT TAKES GUTZ

PEBRERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with