^

PSN Showbiz

Marian walang kasambahay, nagsasarili ng paglalaba

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Si Marian Rivera ang first ever celebrity en­dorser ng Sof & MMMMM ng Personal Collection at siya ang one and only choice dahil siya ang pinili ng mga dealer ng PC products.

Nagulat si Marian sa contract signing niya kahapon sa PC dahil bago nagsimula ang pirmahan, binigyan siya ng Dealers Choice award.

Tinanggap ni Marian ang challenge na maging ambassadress ng Sof & MMMMM dahil naniniwala siya sa produkto. May tatlong variant ang produkto na paborito ni Marian, ang Forever, Endless, at Eternity.

Para patunayan na mabango ang concentrated fabric conditioner, ipinaamoy sa akin ng mga bos­sing ng PC ang white towel na ginamitan ng Sof. Totoo ang tsismis, ang bangu-bango ng white towel kaya iniuwi ko ito sa bahay.

Ang sabi ng isang bossing ng PC, mabangung-mabango ang Eternity scent ng Sof dahil kapag naamoy mo ito, parang nakarating ka na sa langit. Paano kaya niya nalaman ang amoy ng langit?

Personal na ginagamit ni Marian ang Sof dahil wala siyang kasambahay. Si Marian ang naglalaba ng kanyang mga damit, lalo na ng undergarments niya.

 

Hindi siya katulad ng ibang mga artista na hindi makakilos ng walang kasambahay o alalay.

Sa totoo lang, type ko ang lifestyle ni Marian dahil napapanatili niya ang privacy. Kadalasan kasi, nanggagaling ang mga tsismis mula sa mga kasambahay. May mga artista na nasasangkot sa mga eskandalo at kontrobersiya dahil ang mga kasambahay nila ang source ng mga balita.

Nag-enjoy ako sa presscon ng Personal Collection para kay Marian dahil sa rami ng giveaways.

Kung hindi pa naging endorser ng PC si Ma­rian, hindi ko malalaman na maraming produkto ang kompanya na magagamit sa bahay.

Bukod sa fabric softener,  may dishwashing li­quid, disinfectant spray, cleaner, and polisher etc. ang PC.

Nahirapan nga ang driver ko na si Junior sa pagbitbit ng freebies na ipinamigay ng PC sa entertainment press.

 

Louise bidang-bida sa malaking billboard

Natuwa ako para kay Louise delos Reyes nang makita ko kahapon sa GMA Network Center buil­ding ang giant billboard ng Kambal Sirena.

Knowing Louise, baka napaluha siya nang makita niya ang billboard na nagpapatunay ng pagbibida niya sa primetime show ng GMA 7.

Ang Kambal Sirena ang newest telefantasya ng Kapuso Network na mapapanood simula sa Lunes, March 10.

Mahirap ang role ni Louise sa Kambal Sirena dahil dalawang karakter ang ginagampanan niya. Hindi nagrereklamo si Louise dahil gustung-gusto nito ang project na pinapangarap na magampanan ng maraming aktres.

Sina Aljur Abrenica at Mike Tan ang leading men ni Louise sa Kambal Sirena na perfect na perfect na panoorin ngayong summer season.

 

Rachelle Ann binigyan ng despedida party

Ang bestfriend ko na si Pinky Tobiano ang nag-host ng despedida party para kay Rachelle Ann Go na malapit nang lumipad patungo sa London dahil cast member siya ng Miss Saigon.

Dumating sa despedida party ang lahat ng mga invited guest ni Mama Pinky, sina Sarah Geronimo, Mark Bautista, Erik Santos, Christian Bautista, at ang ibang mga kaibigan ni Rachelle.

Na-sight ko ang picture ng despedida party na inilagay ni Mark sa social media at ang new hairdo ni Sarah ang napansin ko. Totoo nga ang mga balita na maigsi ang buhok ni Sarah pero hindi masyadong halata sa picture na nakita ko.

vuukle comment

ANG KAMBAL SIRENA

CHRISTIAN BAUTISTA

DAHIL

KAMBAL SIRENA

MARIAN

PERSONAL COLLECTION

SOF

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with