^

PSN Showbiz

Carla and Geoff hiwalay na?!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Napapaisip kami sa nababasang posts ni Geoff Eigenmann sa Instagram na lifted sa verses at tungkol sa changes at parang may pinatutungkulan. Gaya na lang ng post nitong “People change, things go wrong, s—t happens and life goes on.” Meron pang “Life has a tendency of f-----g things up when you finally get to be happy.”

Ang latest post nito ay “I think we like to complicate things when it is really quite simple; find what it is that makes you happy and who it is that makes you happy and you’re set. Promise.”

Ang paniwala ng followers ni Geoff ay may problema sila ni Carla Abellana at may nag-isip pang baka break na ang dalawa at hindi pa lang nila inaamin.

Lalo pang nag-isip ang followers ng dalawa sa nabasang birthday message ni Carla kay Gabby Eigenmann na pinsan ni Geoff at nag-birthday last March 2. Heto ang ilang parte ng birthday message ni Carla:

 â€œSa isa sa pinakamamahal kong tao, maligayang ka­arawan. Hindi ko man mismo magawang masa­ya itong araw na ito para sa ’yo pero sana sapat nang malaman mo na kahit ano gagawin ko para sa ’yo at Sana pagpalain ka pa ng Diyos at maraming maraming salamat sa lahat ng tulong at sayang ibinigay mo sa akin. Mahal na mahal na mahal kita. Walang magbabago, pangako.”

Ano kaya ang ibig sabihin ni Carla na walang magbabago sa kanila ni Gabby? Naalala naming sa presscon ng Third Eye nagsimula ang tsikang break na sila after sabihin ng aktres na hindi sila nag-celebrate ng Valentine’s Day at hindi si Geoff ang tipo ng boyfriend na nagbibigay ng flowers at chocolate sa V-Day.

Nang si Geoff ang makausap ng press sa last presscon ng Adarna, inaming hindi siya sweet at naiintindihan siya ni Carla at bumabawi naman siya. Ano kaya ang nasa likod ng posts ni Geoff at birthday message ni Carla kay Gabby?

Polo hindi na nakita ang naglandi sa GF

Nakita namin sa blessing ng DMV House of Acting & Performing Arts last Sun­day si Polo Ravales at isa sa mga tanong namin ay kung alam na niya ang name ng basketball player na hinamon sa Facebook dahil inaaswang ang kanyang girlfriend.

Hindi pa rin alam ni Polo ang name ng guy na nag-flirt sa GF at hindi na rin daw ito nagparamdam sa GF. Dahil hindi nakilala ang guy up to now, paniwala ni Polo ay hindi talaga basketball player ang lalaki dahil walang nakakaalam ng name.

Samantala, happy si Polo dahil kahit walang kontrata sa GMA 7, binigyan pa rin ng show at sa primetime pa na matagal na niyang gusto. Kasama siya sa cast ng Kambal Sirena at maganda ang role.

Anyway, ang DMV House of Acting & Performing Arts ay pagmamay-ari ng talent manager na si Manny Valera pero ni­linaw nitong hindi lang para sa talents niya ang binuksang school. Open ito sa lahat at nangakong the best service ang kanilang ibibigay sa mga mag-i-enroll.

Ang DMV studio ay nasa #5 Scout Magbanua corner Roces Avenue, Quezon City. For inquiries, call Cynthia at 861-8586, 374-1361 from 1 to 7 p.m. E-mail address is [email protected]

GF ni Tom Tinambakan ng trabaho kahit walang kontrata

Papipirmahin pala ng kontrata ng GMA Artists Center si Kaye o mas kilala bilang si K-La Rivera. Ang sabi sa amin, malapit nang pumirma ang dalaga sa one plus one contract na ibig sabihin, one year plus one year option.

Ang hinihintay ngayon ng Kapuso viewers ay kung kailan pagsasamahin sa isang show sina Tom Rodriguez at Kaye o K-La.

ANO

ARTISTS CENTER

CARLA

CARLA ABELLANA

GABBY EIGENMANN

GEOFF

HOUSE OF ACTING

PERFORMING ARTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with