Maricel tili agad nang tili sa bagong trabaho sa GMA
Hindi pa alam kung matutuloy sa March 10, ang unang na-schedule na first day taping ng Ang Dalawang Mrs. Real, ang bagong soap ng GMA 7 na tatampukan nina Maricel Soriano, Lovi Poe, at Dingdong Dantes. Pero si Maricel, naka-schedule mag-look test this Monday.
Tsika sa amin, nang ilatag ang story sa tatlo at sa harap ni Direk Andoy Ranay, sigaw nang sigaw daw si Maricel sa maraming magagandang mangyayari sa soap sa pilot episode pa lang.
Bukod sa soap, may sisimulan ding pelikula sa Viva Films si Maricel to be directed by Marlon Rivera kaya busy ang first half ng 2014 sa aktres.
Anak nina Dingdong at Jessa mahusay sa kahit anong kanta
Ang ganda ng anak nina Siquijor Vice Governor Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na si Jayda Avanzado at ang galing pang kumanta. Ipinapanood sa amin ni Jessa ang video ng anak na kumakanta at bumilib kami sa bagets dahil kahit anong klase ng kanta, mahusay na nakakakanta ang bata.
Sa tanong kung bakit hindi pa nila sinusundan si Jayda, sabi ni Jessa ay ayaw magkaroon ng kaÂpatid ito. Natawa si Jessa sa comment ng press na bumisita sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw na selfish ang anak dahil gusto’y siya lang ang anak ng parents niya.
Sabi ni Jessa, may kapatid na ang anak, ang anak ni Dingdong sa ibang babae na napagtapos na nilang mag-asawa ng college. Madalas daw sa bahay nila ang anak ni Dingdong at tunay na anak na rin ang turing niya.
Anyway, si Jayda ang No. 1 critic ni Jessa at taga-remind sa kanya na bad siya sa pagiging kontrabida sa nabanggit na soap. Ipinaaalala na lang niya sa anak na trabaho lang ang ginagawa niya at kahit hirap at napapagod sa first time niyang pagkokontrabida, nag-i-enjoy naman siya.
Sigurado si Jessa na sasabihan na naman siya ng anak na “you’re sooo mean mom†‘pag sinimulan na niyang apihin si Kim Rodriguez.
Marian kabi-kabila ang pagko-cover sa mag
Hindi lang sa March issue ng FHM cover si MaÂrian Rivera dahil cover din sila ni Dingdong Dantes ng March issue ng Sense and Style. Sa February issue ng Cosmopolitan last nag-cover ang dalawa, kaya tuwang-tuwa ang DongYan fans dahil nasundan agad ang pagko-cover ng favorite couple nila.
Sabi, may isa pang magasin na lalabas this March na cover si Marian at hinihintay na ito ng kanyang fans.
Pero ang hinihintay ng kanyang fans ay ang paglabas ng two big new endorsements ni Marian na bawal pang banggitin. Big endorsement ito pero print ad at billboard lang yata.
Ogie tatapatan ng pagpapatawa ang mga newscast
This Monday, 7:30 p.m., ang pilot ng tawa-serye ng TV5 na Confessions of a Torpe at pressured ang cast dahil hit ang papalitan nilang Madam Chairman ni Sharon Cuneta, kaya kailangang mataas din ang ratings nila.
Sa comedy side, walang problema dahil, sabi ni Ogie Alcasid, hindi na nila kailangang magpatawa dahil nakakatawa na ang script. Tamang delivery na lang ng punchline at acting at sold na sila.
Ikinuwento ni Ogie kay Regine Velasquez ang ilang eksena sa show at natawa raw ang asawa at may mga idea pa itong ipinasa sa kanya para mas nakakatawa pa ang mga susunod na episodes.
Ang challenge sa cast ay makahugot ng viewers mula sa ABS-CBN at GMA 7 lalo’t ang time slot nila ay newscast pa ang ipinalalabas ng two networks. Kaya bang iwan ng viewers ang newscast kapalit ng comedy?
- Latest