^

PSN Showbiz

Elmo at Janine napakinabangan ang ingay ng relasyon

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Magandang balita sa cast, staff at crew ng Villa Quintana ang balitang extended ang Afternoon Prime ng GMA 7 for eight weeks o two months. Dahil ito sa mataas na rating, sa mahusay na direction ni Gina Alajar at magagaling na cast.

Idagdag na rin natin ang ingay na dulot ng relasyon nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez. Hindi pa umaamin ang dalawa, pero halata sa kanilang mga kilos at tinginan na may nangyayari sa kanilang dalawa. Pareho silang single kaya nagtataka kami kung bakit hindi pa sila umaamin.

May mga nabasa kaming suggestion na pai­nga­yin pa ng GMA 7 ang love team nina Elmo at Ja­nine by giving them and their show extensive promo. Ang isa pang suggestion, hanapan ng more magazine cover si Janine at endorsement para mas makilala pa dahil lumalabas na isa siya sa pambato ng network. Paging GMA 7!  

Isabel Oli inayos ni John na makabalik ng ABS

Bumalik na pala sa ABS-CBN si Isabel Oli at siguradong malaki ang kin`alaman ng BF nitong si John Prats para bumalik sa Kapamilya Network. At least ngayon, puwede na silang magtambal sa mga soap at show.

Kaya pala nasa birthday presentation ni John sa ASAP last Sunday si Isabel at isinama na rin siya sa Anna Liza. Ang sweet ni John dahil winelcome ang GF sa Anna Liza. Nag-taping na ang aktres at baka mapapanood na siya sa papasok na linggo.

Tinapos lang ni Isabel ang kontrata sa GMA Ar­tist Center at wala na rin si­yang show sa GMA 7. Iyong show niya sa GMA News TV, papalitan na lang siya.

Janno may sama ng loob sa GMA

Sa pakikipagkuwentuhan kay Janno Gibbs sa taping ng Paraiso Ko’y Ikaw, nabanggit nitong there was a time na ginusto niyang umalis sa GMA 7 at lumipat sa ABS-CBN. Nagtampo raw siya sa Channel 7 at siya mismo ang lumapit sa ABS-CBN para tingnan ang option niya.

Napigilan lang daw siya at naisip na hindi niya maiwan ang mga show niya that time. Na-realize rin niyang hindi siya pinababayaan ng Channel 7 at minsan nga, sabay-sabay ang shows niya, gaya ngayong bukod sa Paraiso Ko’y Ikaw nasa Sunday All Stars din siya.

Hindi na binanggit ni Janno kung ano ang ipinagtampo niya sa Channel 7 at kung paano nahilot at may posibilidad pa ring lumipat siya lalo’t magtatapos na ang kontrata niya sa Kapuo Network this year na.

Anyway, gaya ni Bing Loyzaga, nilinaw ni Janno na wala pa silang apo at mali ang tsismis na may anak na ang isa sa dala­wa nilang anak. Si Bing nagalit sa tsismis dahil naapektuhan ang anak nilang si Gaby sa tsismis, pero si Janno natawa lang dahil hindi nga totoo.

 

Movie for TV Nina Derek at Angel puwedeng pang-sinehan

Hindi malinaw ang sagot sa amin ng mga taga-TV5 sa balitang ipalalabas in selected theaters ang Bawat Sandali, ang movie for TV na pinagtambalan nina Derek Ramsay at Angel Aquino.

Marami raw ang nag-request na ipalabas sa sinehan ang pinagtambalan ng dalawa after ng good review nang ipalabas ang Bawat Sandali  last week. Ang sagot sa amin, si Mr. Manny V. Pangilinan ang magdedesisyon, pero kung sila lang ang masusunod (mga bossing ng network) gusto nilang ipalabas ang apat na movies for TV na ginawa nila.

Dahil din sa good reviews, tila ibabalik ng TV5 ang movie for TV at hindi nga ba’t kinukuha nila si Sarah Lahbati para rito?

vuukle comment

ANNA LIZA

BAWAT SANDALI

GMA

ISABEL OLI

JANNO

PARAISO KO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with