^

PSN Showbiz

Ryzza Mae todo ang ginawang pa-cute kay Richard

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kilig na kilig si Ryzza Mae Dizon dahil si Richard Gutierrez ang guest niya kahapon sa The Ryzza Mae Show.

Sure ako na babaeng-babae si Ryzza Mae at hindi siya magi­ging tomboy sa kanyang paglaki, base sa mga kilos niya habang nag-uusap sila ni Richard.

Nang itanong sa bagets kung ano ang nagustuhan ni Richard sa girlfriend nito na si Sarah Lahbati, sumagot ang aktor ng “Maganda ang kanyang mga mata.”

Hindi nagpatalbog ang Aling Maliit na buong ningning na nag-beautiful eyes at nag-dialogue ng “Ako rin po, maganda ang mga mata ko!”

Tawa nang tawa si Richard kay Ryzza Mae, lalo na nang gayahin ng ba­gets ang pagsasalita ng kanyang madir na si Annabelle Rama. Si Aling Maliit lang ang puwedeng mag-impersonate kay Bisaya na matatawa lang at hindi maiimbiyerna.

Magkasunod ang TV appearances kahapon ni Richard at ng kanyang Ate Ruffa Gutierrez dahil ito ang ininterbyu ni Rea Santos para sa Tunay na Buhay ng GMA 7.

Binalikan ni Rhea ang mga nakaraan ni Ruffa sa showbiz at personal na buhay. Nabitin lang ako sa panonood dahil mali yata ang pagkaka-edit sa show, hindi na ipinakita ang sagot ni Ruffa nang itanong ni Rhea kung nagkaroon siya ng breast exposure sa remake ng Pinakamagandang Hayop sa Balat ng Lupa noong 1995.

Hindi rin ipinakita ang puno’t dulo ng pag­luha ni Jun Lalin, ang confidante ng Gutierrez family. Basta napanood ko na lang si Jun na umiiyak habang nagsasalita tungkol kay Ruffa. Hindi malinaw sa televiewers ang pinanggali­ngan ng kanyang pagluha.

Sa darating na linggo ang plano na grand presscon ng It Takes Gutz to be a Gutierrez, ang reality show ng Gutierrez family.

Looking forward ako sa presscon ng Gu­tier­rez family dahil sa mga big announcement ni Bisaya.

Kahit anong pilit, ayaw sabihin ni Anna­belle Rama ang kanyang mga pasabog para hindi ma-preempt. Kanya-kanya na ng hula ang mga reporter tungkol sa big news ng mga Gutierrez.

NoN-Stop ni Liam may butas ang istorya

Pinanood ko kahapon sa Greenhills Theater ang Non-Stop, ang bagong action movie ng aking favorite actor na si Liam Neeson.

Nagustuhan ko ang pelikula pero may mga question mark sa aking isip dahil sa mga eksena na hindi naipaliwanag nang husto ng scriptwriter.

Sure ako na blockbuster sa Pilipinas ang Non-Stop dahil marami ang nanonood nito, kahit medyo may mga butas ang kuwento ng pelikula.

Siyempre, ginamit ko sa panonood ng Non-Stop ang aking Deputy Card, courtesy of Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairman Toto Villareal.

Sumunod naman ang Greenhills Theater sa pa­takaran ng MTRCB dahil bago nagsimula ang pelikula, ipinakita ang classification na ibinigay ng opisina ni Papa Toto sa Non-Stop. Rated R-13 ng MTRCB ang movie ni Papa Liam.

ALING MALIIT

ANNABELLE RAMA

GREENHILLS THEATER

NON-STOP

RUFFA

RYZZA MAE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with