^

PSN Showbiz

Matapos ang aksidente sa bike John Lloyd matagal mamamahinga, exit muna sa show nila ni Toni

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Uy matagal-tagal palang mamamahinga si John Lloyd Cruz dahil sa natamong tama sa mukha matapos sumemplang sa shooting ng summer station ID ng ABS-CBN.

Kasi naman daw itong si John Lloyd hindi pala sumunod sa original plan, hindi sa daan na na-ocular ng production. Sa actual take daw, iniba raw nito ang route niya. Eh dun daw sa pinili nitong daanan may butas kaya nang mapadaan daw si Lloydie habang nagba-bike, pak, sumemplang siya. Kaya raw nang pagalitan ng management ang production, ayun daw ang sinabi ng grupo.

Naporohan daw talaga ang mukha ng aktor kaya rest muna ito.

Kaya exit muna siya sa Home Sweetie Home nila ni Toni Gonzaga ayon mismo sa press release ng ABS-CBN.

Hindi na naka-attend si John Lloyd sa launching ng Century Tuna Super Bods na first project nila ni Anne Curtis pagkatapos ng kanilang controversial na encounter sa isang bar.

Cristine gusto munang maging single

Itinanggi ni Cristine Reyes na nagkabalikan sila ni Rayver Cruz. Wala raw reconciliation. Talaga lang nanatili silang magkaibigan sabi ni Cristine kahapon sa ginanap na finale presscon ng Honesto na matatapos na two weeks from now. “Hindi po kami nagkabalikan. Sana huwag muna akong magka-boyfriend, one or two years. Gusto ko mu­nang maging abala sa trabaho. Minsan lang ako magiging bata. I hope single muna ako,” sabi ni Cristine na puring-puri ng production ng Honesto dahil walang kaarte-arte sa katawan.

Aminado naman siyang lumalabas-labas sila ng ex, pero hanggang ganun lang sila. Nag-iinisan lang sila lalo na nga’t meron na palang nililigawan si Rayver.

Nagpa-Honesto rin si Paulo Avelino tungkol sa kanila ni KC Concepcion na bago lumipad pa-New York ay alam ng buong showbiz na nililigawan niya. “We still communicate. Pero baliktad kasi ang oras namin ngayon,” katuwiran ng aktor.

Pero aminado siyang inspirado siya.

Anyway, tinutukan ng TV viewers ang mga huling laban para sa katotohanan at katapatan ng nangu­ngunang primetime drama series ng ABS-CBN na Honesto.

Gustuhin man nilang pahabain pa ang programa dahil sa mataas na rating, ayaw na nilang pilitin ayon kay Biboy Arboleda, advertising and promotions head of ABS-CBN’s Dreamscape.

Bukod sa ‘tapat at totoong’ kuwento ng teleser­yeng napapanahon, tumatak din sa puso ng mga ma­­nonood ang pinakabagong child wonder na si Raikko Mateo na gumaganap bilang si Honesto at ang tambalang Diego at Marie na gi­nagampanan nga nina Pauloat Cristine.

Bukod kina Raikko, Paulo, at Cristine, baha­gi rin ng powerhouse cast  sina Eddie Garcia, Joel Torre, Ja­nice de Belen, Angel Aquino, Nonie Buenca­mino, Melissa Ricks, at Joseph Marco. Ito ay sa ilalim ng direksyon nina Jerry Lopez Sineneng at Darnel Joy Villaflor.

ANGEL AQUINO

ANNE CURTIS

BIBOY ARBOLEDA

BUKOD

CENTURY TUNA SUPER BODS

CRISTINE

HONESTO

JOHN LLOYD

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with