Carla enjoy sa kusina
MANILA, Philippines - Nagsimula na kamakailan ang tampok na pinakabagong season ng Del Monte Kitchenomics ng GMA Network. Ipakikilala rito ang multi-awarded pastry chef at mom of two na si Jackie Ang Po at ang versatile Kapuso actress na si Carla Abellana bilang pinakabagong hosts ng programa.
Tatlong dekada nang pinatutunayan ng Del Monte Kitchenomics na ito ang trusted culinary partner ng mga Filipino mother. Hanggang ngayon, ito ay patuloy na nagbibigay ng masarap, madali, at budget-friendly recipes upang mapasaya ang pamilyang Pilipino sa kanilang hapag-kainan.
“We have many exciting things in store for the Del Monte Kitchenomics Cooking Show viewers. We have new faces on the show and new culinary destinations. Kitchenomics will also be even more fan-engaging as it will be very easy for our active Facebook Fans to be guests on our show and we’ll be featuring many of our members’ Most Requested Recipes,†ayon kay Susie Aquino, senior product manager.
Ipinagmamalaki ring ipakilala ng Del Monte Kitchenomics ang pinakabagong tandem sa kusina nina Chef Jackie at Carla.
“We have always chosen brand ambassadors who are passionate about food and life. Carla Abellana is a wonderful actress. She loves to cook for her friends and family. She’s very eager to improve her cooking skills and learn new things in the kitchen.
“During our shoots, she asks a lot of questions about the recipes, which is good because we have many viewers who are new cooks and these questions that she asks on the show are very helpful.
“Chef Jackie Ang Po is our culinary expert. She’s a multi-awarded chef and she’s also a mom. Given that our show primarily caters to mothers, she can easily relate to their dilemmas and challenges in preparing food for their family.
“Both Carla and Jackie have a wholesome, family-oriented, approachable personality consistent with the Del Monte Brand. We’re very happy to have them as part of the Del Monte Kitchenomics Family,†pahayag pa ni Aquino.
Samantala, masaya naman sina Chef Jackie at Carla na maging bahagi ng bagong season ng well-loved cooking show.
Ayon kay Carla, ang pagiging host ng Del Monte Kitchenomics ay hindi lamang isang biyaya sa kaniyang career, kundi isang pagkakataon para lalo pang gumaling sa kusina.
“My mom and lola taught me how to cook. I really enjoy cooking and I want to be better at it. I know it’s going to be a fun learning experience,†dagdag pa niya.
Abangan ang pinakabagong season ng Del Monte Kitchenomics tuwing Miyerkules at Sabado bago mag-Eat Bulaga, at tuwing Linggo bago mag-Sunday All Stars sa GMA 7.
Anak ng Youtube sensation wagi ng P1M sa show ni Juday
Hindi inakala ng Russian YouTube sensation na si Anna Rabstun-Baylosis na ang simpleng hangarin na maglaro’t mag-enjoy sa cutest game show ng bansa na Bet On Your Baby kasama ang Pinoy na mister na si Erick at baby na si Mishka na sila pala ang tatanghaling ika-anim na milyonaryo ng programa noong Sabado (Pebrero 22).
Sa ikalawang pagpukpok ng piggy bank ng interracial contestant sa jackpot round na kung tawagin ay Basagin ang Baboy ay nasungkit nila ang P1 million.
Bago magwagi sa Bet On Your Baby, unang nakilala ang purong Russian na si Anna Rabstun sa kanyang pag-awit ng OPM songs. Sa kanyang pagmamahal sa kulturang Pilipino, hindi rin nakapagtatakang nabihag din ang kanyang puso ng Pinoy na si Erick.
Kasamang naglaro ng Baylosis family ang pamilya ng commercial model na sina January Isaac at DJ na si Delamar Arias.
Ngayong Sabado (Marso 1), muling maglalaro ang mga interracial families sa Bet On Your Baby.
Kilalanin ang half British na sina Kiara Collins, at Fil-Am babies na sina Matthew McMahon at Sing Paschal.
Maiuwi kayang muli ang jackpot prize na P1 million? O ito na ba ang pagkakataon na masungkit ang worth P2-million fully furnished house and lot mula sa Camella Homes?
Best Fair Ever ng G2B Army, kasado na ngayong Linggo...
Isang araw na hitik sa saya, palaro, at sorpresa ang handog ng Got To Believe ng ABS-CBN para sa lahat ng dadalo sa kanilang Best Fair Ever ngaÂyong Linggo (Marso 2).
Ang fair na gaganapin sa Makati Circuit simula 8AM hanggang 5PM ay alay sa G2B Army na binubuo ng mga kabataan na solid supporters ng most romantic series sa primetime TV na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Mabibili ang tickets para sa Best Fair Ever ngaÂyong Biyernes (Pebrero 28), mula 10AM hanggang 4PM sa Center Road ng ABS-CBN sa Quezon City.
Ang ticket na nagkakahalagang P500 ay may kalakip na G2B Army Kit at magsisilbing pass para sa dalawang rides, photo booth, at G2B Concert.
Para sa kaayusan ng fair at kaligtasan ng mga dadalo, ang mga sumusunod ang mga paalaalang nais ipabatid ng organizers sa lahat: dalhin ang tiÂcket sa araw ng fair; tiyaking sundin ang location map upang makarating sa Makati Circuit; hindi maaaÂring magdala ng pagkain sa loob ng venue; bawal ring magpasok ng alak, drugs, at firearms; ang mga batang pitong taong gulang pababa at mga buntis ay hindi papapasukin; at may food, game, at ride booths sa loob ng venue.
Magkakaroon din ang fair ng Chichay and Joaquin ‘Kalokalike’ search, pati na auction kung saan ipagbibili ang mga painting ni Chichay at iba’t ibang gamit ni Joaquin. Tampok rin sa ‘Best Fair Ever’ ang tatlong espesyal na programa -- isa sa umaga, pre-show sa hapon, at ang main concert na katatampukan ng Got To Believe cast.
- Latest