^

PSN Showbiz

Maiinit na sandali ng When the Love is Gone nasa video na

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Noong November 2013, inihandog ng Viva Films ang When the Love is Gone, ang pinakamalaking drama event ng taon, na kumita ng humigit sa P32 million. Directed by Andoy Ranay, ang pelikulang ito na remake ng 1983 hit classic Nagalit ang Buwan sa Haba ng Gabi ay umani ng positive reviews dahil sa fast pace at glossy look nito, lalo na sa powerful performances nina Gabby Concepcion, Alice Dixson, Andi Eigenmann, Jake Cuenca, at Cristine Reyes. Umiikot ang kwento sa masalimuot na mga pangyayaring dulot ng bawal na pag-ibig. Ngayon, inihahandog ng Viva Video ang pinakahihintay na video release nito. 

Si Emmanuel Luis (Gabby Concepcion) ay isang successful businessman at great provider sa kanyang pamilya.  Samantalang ang kanyang asawang si Audrey (Alice Dixson) ay abala rin sa kanyang negosyo kaya’t hindi nito naga­gampanan ang papel bilang asawa. Dahil dito, hindi naiwasan ni Emman na mahumaling kay Cassie (Cristine Reyes) na nakilala niya sa isang resort. Si Cassie ay may sarili ring marital problem, dahil natuklasan niyang bakla ang  kanyang asawa (Jake Cuenca). Ang maiinit na tagpo nina Emman at Cassie ay nagtuluy-tuloy hangga’t sa nalaman ito ni Audrey. Alang-alang sa kanilang anak na si Jenny (Andi Eigenmann), pinasya ni Audrey na magkunwari sila ni Emman na maayos pa rin ang lahat.  Ngunit haharap sila sa patung-patong na problema at mga nakakasindak na pangyayari. 

Saksihan ang drama na naging usap-usapan ng buong bayan. Bili na ng When the Love is Gone DVD sa halagang P375 o VCD sa halagang P275.  Available na sa leading video stores nationwide.

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

ANDOY RANAY

AUDREY

CRISTINE REYES

EMMAN

GABBY CONCEPCION

JAKE CUENCA

NOONG NOVEMBER

WHEN THE LOVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with