Inaming sa computer nga niya nanggaling: Wally hindi na mahanap ang dancer na kasama sa sex video scandal!
Vic tuwang-tuwa na nadagdagan na naman ang apo
PIK: Bumalik si Wally Bayola kagabi sa Celebrity Bluff. Ang pagkakaalam namin, as guest muna sa gangnam at may karakter itong gagampanan.
Hindi pa masabi ng mga taga-Celebrity Bluff kung tuluy-tuloy na ito, pero sa taping kagabi ay guest daw muna siya.
Sa susunod na linggo pa ito mapapanood, dahil sina Janina San Miguel, Gwen Zamora at Valerie Weigmann pa ang naglaro at wala pa dun si Wally.
PAK: Parang milagro raw itong pagbubuntis ni Kristine Hermosa sabi ni Oyoboy Sotto dahil may polycystic ovaries daw ito.
Nung nakumpirmang magpi-pitong linggo na ang ipinagbubuntis ni Kristine, parang nawala na raw iyun at naramdaman daw nilang magiging healthy ang baby.
Kung sila ang masusunod, gusto raw sana nila boy ang ipinagbubuntis ni Kristine para lalaki naman ang kasunod ng baby nilang si Ondrea.
Ang gusto pa raw ni Oyoboy ay maka-anim na anak sila dahil mas masaya raw ang marami.
Iyun din ang gusto ni Bossing Vic, na mas marami pa siyang apo para masaya daw pag magsama-sama sila.
BOOM: Bago nag-Celebrity Bluff si Wally kagabi, nasa Zirkoh naman ito kamakalawa ng gabi at doon ay nakausap siya ng mga reporters tungkol sa sex video scandal na iyun.
Nilinaw niyang hindi si Yosh Rivera ang nag-upload ng video nilang dalawa.
Na-delete naman daw niya ang files sa laptop niya bago ito binili ni Yosh, na hindi niya alam, kahit na-delete na ito, puwede palang i-retrieve.
Nalaman naman daw na isang computer shop ang may gawa nito pagkatapos imbestigahan ng NBI pero nagsara na raw ito.
Hindi na raw alam ni Wally kung saan na si Yosh, dahil nung pumutok ang naturang iskandalo, tumigil na rin ito sa Eat Bulaga at hindi na rin daw nag-aral.
Umaasa si Wally na sana tuluy-tuloy na ang pagbabalik niya dahil kailangan daw talaga ng pamilya niya ang mga perang panggastos lalo na’t meron pa siyang anak na may cancer at regular ang chemo therapy nito.
- Latest