^

PSN Showbiz

Ate Vi mamahinga na sa pulitika, offer na pagbi-bise presidente inayawan na?!

Pilipino Star Ngayon

 Luis umamin gustong kumandidato

MANILA, Philippines - Posible kayang magretiro na si Batangas Governor Vilma Santos sa pulitika lalo na nga’t matatapos na ang termino niya sa pagka-gobernadora? Ito ay kahit mainit ang isyung target siya ng kampo ni Vice President Jejomar Binay na pumalit sa pagkandidato nitong presidente sa 2016.

 â€œGusto ko ring mas mapagtuunan ng oras ang sa­rili ko.  Hindi na rin kasi ako bumabata,” pahayag ni Gov. Vilma sa programang Tapatan ni Tunying na eere  ngayong Huwebes (Feb. 27).

 Kuntento na raw ang tinaguriang Star for All Seasons sa nakamit niya bilang isang pulitiko at para sa ina ni Luis Manzano, naabot na niya ang pinakamataas na tagumpay dahil sa suporta at tiwalang ibi­nibigay sa kanya ng mga Batangueños.

 â€œâ€˜Yun bang pinagkakatiwalaan nila ang isang babae sa sinasabing lugar ng mga barako, nanalig sila sa kakayahan mo, at sinusunod ka nila. Walang katumbas na halaga iyon,” sabi niya.

Ganoon pa man, hindi pa sigurado ang gobernadora sa planong pagreretiro kaya’t hindi pa raw dapat malungkot ang kanyang mga taga-suporta. Nauna nang kinumpirma ng kanyang asawang si Sen. Ralph Recto ang sinasabing pagreretirong ito ng Star for All Seasons.

“Ayoko rin magsalita nang tapos. Baka hahampas sa mukha ko kasi hindi ko rin naman pinlano na ma­ging gobernador. Hindi ko rin pinlano maging mayor,” pahabol niyang pahayag.

Susunod nga ba ang panganay niyang anak sa kanyang yapak bilang lider ng Batangas?

 â€œNoong mayor pa ako, sinasabihan nila si Lucky na tumakbo. Tinanong ko naman ang anak ko, ‘Interesado ka ba sa pulitika, anak?’ Sabi niya, ‘Opo, parang opo. Lumaki rin ako sa iyo na ganyan ang trabaho mo, pero sa­sabihan ko po kayo kung handa na ako,’” pagbubunyag niya.

 Naniniwala naman si Gov. Vilma na hindi pa tamang panahong pasukin ni Luis ang pamamahala ng isang lugar.

 Panoorin ang Tapatan ni Tunying (TNT) ngayong Huwebes, 4:45 p.m. sa ABS-CBN Kapamilya Gold.

Kim iba ang nararamdaman sa balikan nila ni Coco

Kabado si Coco Martin kay Kim Chiu na magkasama sa bagong seryeng Ikaw Lamang. Though hindi naman ito ang first time nilang pagsasama, matagal na ring panahon na hindi sila nagkatrabaho.

“Nu’ng sa Tayong Dalawa, asu­ngot lang ako doon. Kumbaga, ako po ‘yung kontrabida. ‘Yung sa Tayo’y Magkakalayo, magkapatid kami roon ni Kim. Mas nabigyan kami ng chance na makapag-bonding. Mas may eksena kami compare sa Tayong Dalawa,” pag-aalala ni Coco.

Pero nasubaybayan niya ang mga pangyayari sa career ni Kim at nakita niya kung paano itong nag-grow.

“’Yung pagiging mature niya bilang artista. Bilang tao. Ngayon talaga, mapapansin ninyo na napaka­galing na niya!

“Siyempre excited ako at may pressure dahil magkakatrabaho kami ulit. Siyempre medyo matagal din kaming hindi nagkatrabaho. Magaling eh. ‘Pag ganoon kasi nakaka-pressure rin! Sana makasabay! Ninerbyos po ako!,” sabi ni Coco sa presscon ng seryeng magsisimulang umere sa March 10. 

Iba naman ang nararamdaman ni Kim sa ‘pagbabalikan’ nila ni Coco. “Isa pong malaking karangalan sa akin ang makaparehas ang isang Coco Martin! Dahil sigurado akong marami akong matututunan bilang artista lalung-lalo na sa larangan ng drama. Lalo na ngayon na period ito, iba ang atake, iba ang salita!” sabi ni Kim na mabait na mabait nang sumagot sa naganap na presscon ng Ikaw Lang.

Makakasama rin nina Coco at Kim sa teleserye sina Jake Cuenca at Julia Montes.

Got to Believe mabenta sa Asya

Mapapanood na sa tatlong bansa sa Asya ang action-suspense-drama na Huwag Ka Lang Mawawala (may international title na Against All Odds) habang marami na ring regional content buyers ang nagpahayag ng interes na bilhin ang romantic-comedy na Got to Believe matapos dumalo sa taunang content market conference na Asian Television Forum (ATF) kamakailan sa Marina Bay Sands sa Singapore.

“Masaya kami na nagtapos ang 2013 na malakas ang benta ng ating dramas sa ibang bansa. Ang Got to Believe at Huwag Ka Lang Mawawala ay dalawa sa ating pinakamagandang seryeng ginawa noong 2013 at maraming markets ang nahihimok na ipalabas din ito sa kanila kasabay ng seryeng Be Careful with my Heart.  Kinakatawan ng tatlong ito ang patuloy na pagganda ng ating pamamaraan ng pagkuwento pati na rin ang kalidad ng ating produksyon na pasok sa panlasa ng ibang lahi partikular na sa Asya at Africa,” paliwanag ni ABS-CBN Head of Integrated Acquisition and International Sales and Distribution Leng Raymundo.

Noong January 2014, nabenta at nakatakda nang ipalabas sa Malaysia, Cambodia, at Vietnam ang     Huwag Ka Lang Mawawala na pinangungunahan ng Queen of Pinoy Soap Operas na si Judy Ann Santos. Nakuha ng serye ang atensyon ng foreign buyers dahil sa matapang na kwento ng buhay ni Anessa (Santos) at dahil ito ang unang “advocacy-series” sa Philippine television.

Sa ATF, balitang marami ring buyers ang interesadong bilhin ang Got To Believe kaya’t malaki ang posibilidad na maere rin ito sa ibang bansa. Nahimok ang mga buyer sa serye dala na rin ng onscreen magic ng tambalang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla at ang light romantic content nito na naiiba sa kadalasang heavy drama offerings ng ABS-CBN sa merkado. Nalalapit na ang ending nito pero tuloy ang paghataw sa ratings. Ang lakas kasi talaga ng dating ng magka-loveteam.

Anak ni Jackie may leukemia, nanghihingi ng dasal

Kawawa naman ang anak ni Jackie Forster na babae. May leukemia pala at kahapon sa kanyang Instagram account ay nanghihingi sila ng dasal.

“Our dearest Caleigh has leukemia and she has started chemotherapy yesterday, this will be a long battle but its a battle We Will Win! She has been through a series of tests and transfusions the past 3 days so I would just like for us to pray together for her journey to be as easy as possible on her and that Victory will be ours! In Jesus name. The enemy doesn’t realise all Glory and Honor will Always be Given to our Lord. Caleigh belongs to our Abba Father and He has great plans for her (love) I already started calling her #superCaleigh she says she likes #superKikay lol #prayersForKikayCaleigh please #prayerWarriors #GodisGood #AllGloryBeToGod,” bahagi ng kanyang message sa Instagram.

Sa Malaysia na nakabase ang pamilya ni Jackie na bumalik ng bansa last year para ayusin ang gusot sa mga anak kay Benjie Paras pero walang nangyari. (SVA)

AKO

ALL SEASONS

ASYA

HUWAG KA LANG MAWAWALA

NIYA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with