^

PSN Showbiz

Gerald at Angelica umaatikabong intimate scenes ang gagawin!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

May mga intimate scenes na gagawin si Gerald Anderson kasama ni Angelica Panganiban sa bagong pelikula na gagawin ng aktor. Wala naman daw problema sa kasintahan ng binata na si Maja Salvador kung gumawa man ng maseselan na eksena si Gerald. “Ako, before no’ng nagkaroon ako ng relationship I was an actor, so I’m just doing my job. Kumbaga kinuha ako ng Star Cinema to do this role. I also have the convenience that the person that I’m in a relationship with is an actress kaya nagkakaintindihan kami,” paliwanag ni Gerald.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakatambal ng aktor si Angelica at isang malaking karangalan daw para kay Gerald na makasama ang dalaga sa isang proyekto. “I’m just very blessed na pinili ako ng Star Cinema. I have a director (Ru­el Bayani) that I’m comfortable with, and may new leading lady. First time ko rin makakasama si Angelica. Wala siyang hindi kayang gawin. I would love to learn from her,” giit ni Ge­rald.

Kristine anim na linggo nang buntis!

Sa isang panayam ni Kristine Hermosa kamakailan ay nabanggit ng aktres na gusto na niyang tumanggap ng mga proyekto at magbalik-trabaho. Ngayon ay kumpirmadong anim na linggong buntis na si Kristine sa kanilang pangalawang anak ni Oyo Boy Sotto kaya hindi na muling makakapagtrabaho ang aktres. Matatandaang nag-ampon ang mag-asawa noong bago pa lamang sila at una nang nanganak si Kristine noong 2011. Sobrang kaligayahan ang naram­daman ni Oyo nang malaman ang magandang balitang ito.

Nag-post ng mensahe ang aktor sa kanyang Instagram account kasama ang kopya ng ultrasound ni Kristine. “Thank you Lord for this wonderful blessing! We just want to share our short beautiful story of how amazing God is. When 2014 started, we believed God for so many things… one of those is to have another baby WITHOUT having to take any medication since Tin has polycystic ovaries. And now, God answered one of our prayers to have another baby. Tin is now on her 6th week!!! With NO signs of polycystic ovaries! We are witnesses of how powerful prayers are. God hears them,” post ni Oyo.

Pangatlong anak na ng mag-asawa ang ipinagbubuntis ni Kristine ngayon. Lalaki ang ampon na panganay, si Quiel at babae naman ang middle child na si Ondrea Bliss. Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

GERALD ANDERSON

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

MAJA SALVADOR

ONDREA BLISS

OYO

OYO BOY SOTTO

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with