^

PSN Showbiz

Roxanne supalpal sa mga isinangkot sa rape, pero may lumutang na alam daw ang ginawa ni Vhong

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ano kayang mangyayari kay Ro­xanne Acosta Cabañero na nagdemanda ng rape laban kay Vhong Navarro?

Matapos lumabas na sablay ang petsa nang sinasabing ginahasa siya ng komedyante, may lumutang na usapan kahapon na diumano’y may natanggap siyang datung sa pagde-demanda.

Bentang pa lang naman - na umano’y tumanggap daw siya ng P2.5 M.

Nauna nang pinabulaanan ng mga isinangkot niya sa sinasabing pangri-rape raw sa kanya ng mga tao sa mga lugar na nabanggit sa kanyang  alegasyon.

Hihintayin ngayon ang desisyon ng Pasig Pro­secutor’s office kung saan siya nagsampa ng kasong rape. May lumutang naman na tetestigo para patunayan ang mga sinabi ni Ro­xanne.

May utang kay Mark, hinihintay nang magbayad

Magbayad na kaya ang isang showbiz personality na may utang kay Mark Herras?

Ang usap-usapan, ayaw daw nitong magbayad at ginagawang pambala ang hindi pa noon inaamin na anak ng actor.

Eh ngayong umamin na si Mark, magbayad na rin kaya si actress? Wala na    siyang magagamit na panakot.

Mensahe ng pasasalamat ng Pinoy, iparirinig sa mundo sa Listen with your heart music video

Magsasama-sama ang world-class Pinoy music artists na sina Lea Salonga, Lani Misalucha, Arnel Pineda at Billy Crawford at iba pang mga mang-aawit para ipaabot ang mensahe ng pasasa­lamat ng mga Pilipino sa buong mundo sa pagiging bahagi ng pagbangon ng bansa matapos ang hagupit ni Yolanda sa music video na Listen with Your Heart na mapapanood na ngayon (Feb. 25) sa It’s Showtime at pagkatapos ng TV Patrol  sa ABS-CBN.

Ilang araw lang matapos ang pana­nalasa ng super bagyo, bumuhos agad ang tulong mula sa mahigit 50 bansa para sa mga biktima.

 â€œWalang pag-aalinlangang nakiramay at nagpaabot ng tulong ang buong mundo sa atin sa pamamagitan ng relief goods, rescue, at tulong medikal sa mga nasalanta. Sa pamamagitan ng tulong nila at maging ng kapwa natin Pilipino, dahan-dahan tayong nakakaahon sa bangungot na dulot ni Yolanda. Panahon na para ipaabot natin sa kanila ang ating taos-pusong pasasalamat,” sabi ni ABS-CBN Creative Communications Management head Robert Labayen.

Gamit ang mga linyang like “Even the strongest heart can break. When we’ve had too much to take” and “Beyond our faith. Beyond our race. Hand in hand we’ll rise above,” ang Listen with Your Heart ay isang ma­laking pagpupugay sa sangkatauhan at nagsisilbing patunay na maaring magkaisa at maghawak-kamay ang lahat ng tao sa mundo sa oras ng pa­ngangailangan.

Ang awiting sinulat ni Christine Daria-Estabillo at sinaliwan ng musika ni Marcus Davis, Jr. ay sad­yang nilikha gamit ang wikang Ingles nang sa gayu’y mas maiparating at mas maunawaan ng mga banyaga ang nais sabihin nito.

Bukod kina Lea, Lani, Arnel at Billy, kasama rin at nakiisa sa awiting ito ang iba pang sikat na OPM artists na sina Jaimie Rivera, Angeline Quinto, Yeng Constantino, Juris Fernandez, Bugoy Drilon, Liezl Garcia, Jovit Baldivino, KZ Tandingan, Marion Aunor at Wynn Andrada.                                          

ACOSTA CABA

ANGELINE QUINTO

ARNEL PINEDA

BILLY CRAWFORD

CHRISTINE DARIA-ESTABILLO

SHY

YOUR HEART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with