Anne maglalabas ng ‘bawal’ na album
Nalalapit na ang pinaÂkaaabangang concert ni Anne Curtis na The Forbidden Concert: Round 2: Annekapal. Gaganapin ito sa Smart-Araneta Coliseum sa May 16.
“I’m gonna be having anoÂther concert. Abangan ninyo po ’yan,†maikling pahayag ni Anne.
Nakatakda na ring ilabas ang bagong album ng aktres na may titulong The Forbidden Album. Ayon kay Anne, maraming kaibigang singers ang nag-contribute ng kanilang mga awitin para sa bago niyang album katulad nina Christian Bautista, Billy Crawford, Marcus Davis, at Teddy Corpuz.
“May original tapos meron ding covers,†dagdag ng aktres.
Katatapos lamang magdiwang ng kanyang 29th birthday ni Anne. Makabibili ng concert tickets ng aktres sa lahat ng Ticketnet outlets at maaaring tumawag sa 912-5555.
Rica naiintindihan na ang mga sakripisyo ng ina
Isang buwan na ngayon ang anak ni Rica Peralejo na si Philip Nathaniel. Ayon sa aktres, hindi niya maipaliwanag ang kaligayahang nararamdaman bilang isang ganap na ina.
“I guess hindi mo talaga mae-explain, ineffable. There are no words. It’s just everyday when I see Philip, I see something I don’t really deserve, something I didn’t really work for, something so precious, beyond your imagination, but there he is and you can call him yours,†nakangiting pahayag ni Rica.
Matagal ding hinintay ng aktres at asawang si Joseph Bonifacio na magkaroon ng supling. Mas naintindihan na ng aktres ngayon ang mga sakripisyong ginawa ng kanyang mga magulang para sa kanilang magkakapatid.
“Parang every time na I’m asked on what my dream role, ito na ‘yun. I’ve always wanted to be a mom. Costly pala talaga ang parenthood. Masaya, masarap na may new born pero ang dami talagang costs, sacrifices. So, I ask, do I continue to be blessing to my parents? Because at one point in their lives, they have to stop a lot of things just to care for me. Ngayon ko lang naintindihan kung bakit ganun kalalim ’yung feelings ng isang ina kasi sa simula pa lang magkasama na kayo,†paliwanag ni Rica.
Ayaw ng aktres na pasukin din ng kanyang anak ang mundo ng showbiz pagdating ng araw.
“Ayaw ko kasi alam ko ’yung mga sakit, hirap. I would like my son to do other things,†giit niya.
Iiwan na rin muna ni Rica pansamantala ang pag-aartista.
“I’m just not sure if I’m ever going back. Ang hirap sabihin na nami-miss mo ’yung work ’pag ganito pa lang anak mo. Because at this stage, all you want to do is to be a mom to this child,†pagtatapat ni Rica.
Gusto raw ng aktres na magkaroon ng limang anak. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest