^

PSN Showbiz

Superstar pumayag na ring makisali sa Cinemalaya

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Pagkatapos gumawa ng movie for Cinemalaya Independent Film Festival ni Batangas Gov. Vilma Santos last year, si Nora Aunor naman ang gagawa ng movie this year. Ang Superstar ang bida sa entry ni Joel Lamangan sa Director’s Showcase category na Hustisya na mula sa script ni Ricky Lee.

Kinausap daw ni Direk Joel si Guy kung payag siyang gawin ang project at nagkasundo ang dalawa sa meeting nila last week.

First Cinemalaya film ito ni Guy at kung last year napuno ang Cultural Center of the Philippines (CCP) ng mga Vilmanian sa premiere ng Ekstra, this year, siguradong Noranians naman ang susugod sa CCP.

Aiko lalaban din

Pagalingan ng bida ang mga director na may entry sa Director’s Showcase ng Cinemalaya. Kung si Joel Lamangan ay si Nora Aunor ang pambato, si Carlitos Siguion-Reyna ay si Robert Arevalo naman ang bida sa entry niyang Hari ng Tondo.

Si Aiko Melendez naman ang bida ni Louie Ignacio sa Asintado at ang tsika ay kinabahan daw si Aiko nang malamang makakalaban niya si Guy.

Wala pang cast ang entry ni Jay Altarejos na Kasal at ang The Janitor ni director Mike Tuviera.

Pam 2x nag-audition sa Pretty…

Matutuwa ang TV5 kay Pam Men­dio­la dahil kahit anong pangungulit na­ming alamin ang role at karakter niya sa Pinoy version ng Pretty Little Liars, hindi talaga nagkuwento dahil bawal. Ang kinuwento lang ay two times na ang pag-o-audition niya for the said series sa harap ni Mac Alejandre. Pinaarte siya at nakapasa naman.

Hindi naman siguro bawal sa TV5 ang nabanggit ni Pam na kasama rin sa show sina Chris Cuneta na ne­phew ni Sharon Cuneta at si Jericho Ejercito na anak ni Laguna Gov. ER Ejercito.

AIKO

ANG SUPERSTAR

BATANGAS GOV

CARLITOS SIGUION-REYNA

CHRIS CUNETA

CINEMALAYA INDEPENDENT FILM FESTIVAL

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

JOEL LAMANGAN

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with