Kim tanggap ang hiwalayan nila ni Xian
Sa susunod na buwan ay mapapanood na sa Kapamilya Network ang pinakabagong teleserye ni Kim Chiu na Ikaw Lamang. MakakaÂtambal ng dalaga sa nasabing proÂyekto si Coco Martin. Ito ang kaÂuna-unahang pagtatambal nina Kim at Coco sa isang soap opera. Noong una ay ikinalungkot daw ng aktres na hindi na niya makakatambal sa serye ang napababalitang espesyal sa puso niya ngayon na si Xian Lim.
“It’s management decision. Nalungkot din naman kami in a way pero siyempre ito ’yung ibinigay sa amin and hindi naman kami makakapili kung ano talaga. And masaya kami na ’yung ibang Kim-Xi masaya sila, parang natanggap na rin nila,†pahayag ni Kim.
Hindi rin daw nangangahulugan na bubuwagin na ang tambalan nila dahil mayroon pa silang mga gagaÂwing proyekto.
“Hindi naman siya bubuwagin kasi may movie kami ng third quarter ni Xian. So, sana suportahan ulit siya ng mga tao. Then after we’re going to have a teleserye together,†paglilinaw ng dalaga.
Samantala, ipinagtanggol din ni Kim si Xian sa mga nagsasabing ang aktres lamang daw ang nagdadala sa kanilang tambalan dahil mas sikat ito kaysa sa binata. “Kaya naman ni Xian ’yun. Siyempre iba rin ’yung talent na nabibigay ni Xian. Iba ’yung humor niya and napakagaling niyang artista. Napakarami naming supporters na nagsasabi na hindi nila kami pababayaan, nandiyan lang sila kahit magkaiba ’yung project namin and masaya kami na naririnig namin ’yun,†giit pa ng aktres.
Vice Ganda niligwak ni Yael kahit naka-date kasama si Karylle
Kamakailan ay pumutok ang balitang nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Vice Ganda at Karylle. Ito ay matapos ikagulat ni Vice ang naging komento diumano ng kasintahan ni Karylle na si Yael Yuzon tungkol sa kanilang tambalan sa It’s Showtime. Tutol daw kasi ang band vocalist sa tambalan ng GF niya at ni Vice sa nasabing programa.
“Okay talaga kami ni Yael. In fact, we went out together, kaming tatlo. Sinama ko sila sa gimik. Sabi ko, ‘Tara, date tayong tatlo!’ Nag-date kaming tatlo pa. Kaya akala ko okay kami kasi cozy-cozy kami. Kaya nga sabi ko sa kanya hindi ko na alam kung totoo o hindi, kung talaÂgang sinabi, kung bakit sinabi ni Karylle ’yon,†seryosong kuwento ni Vice.
Lalo raw lumala ang tensiyon sa pagitan nila ni Karylle nang malaman ng komedyante mula sa direktor ng kaÂnilang programa na iniiwasan na ng daÂlaga na makapareha siya dahil sa naÂging komento ni Yael.
“Sinabi ni Karylle kay Direk Bobet (Vidanes) na sinabi sa akin ni Direk Bobet, ‘Umiiwas lang ako kasi si Yael nao-offend na. Anytime puwede nang pumutok at susugod na.’ Susugod na dahil sa dinami-rami raw ng puwedeng i-pair up sa dyowa niya, sa bading pa,†pagdedetalye ng gay comedian.
Hindi pa raw alam ng komedyante kung makadadalo pa siya sa kasal nina Karylle at Yael sa susunod na buwan. Reports from JAMES C. CANTOS
- Latest