Bagong rape complainant vs Vhong lumutang
MANILA, Philippines – Muling nahaharap sa panibagong problema si TV host Vhong Navarro matapos maireklamong muli ng panggagahasa.
Inihain kahapon ang kasong rape laban kay Navarro sa Pasig City Prosecutor Office sa pamamagitan ng abogado ng biktimang si Virgilio Batalla.
Kinumpirma ito ni Batalla kagabi sa isang panayam sa telebisyon at sinabing nangyari ang insidente noong 2010.
Kaugnay na balita: Vhong ‘di nagulat sa bagong rape case
Dagdag niya na ayaw ipaalam ng kanyang kliyente ang pangalan sa publiko.
“Lumapit po sa akin ang biktimang ito dahil siya ay nagkaroon ng lakas ng loob sa mga pangyayaring alam n’yo naman po yun… yun pong pangyayaring may nagsampa ng kaso kay Vhong Navarro ng rape,†pahayag ng abogado.
“Dahil sa nakita niya na pwede palang mangyari ito na paulit-ulit sa ibang bababe tulad niya,†dagdag ni Batalla.
Kaugnay na balita: Fortun nainis sa pagsasalita ni Deniece Cornejo
Naunang nagsampa ng kasong rape ang modelong si Deniece Cornejo laban kay Vhonng matapos ang insidente noong Enero 29 sa Forbeswood Heights tower sa Bnifacio Global City.
Sinabi ni Batalla na mayroong 20 taon ang isang biktima upang makapaghain ng reklamo.
“20 taon para magfile ng kaso. At ang kliyente ko at apat na taon lamang (since the incident), kaya hindi ganun katagal yun.â€
- Latest