Robi, maglalakwatsa sa Hokkaido, Japan
MANILA, Philippines - Lalakbayin ng Kapamilya host at TV persoÂnality na si Robi Domingo ang winter wonderland ng Hokkaido, Japan at tutuklasin ang iba’t ibang pasyalan at libangang matatagpuan sa mala-paraisong islang ito sa espesyal na dokumentaryong Lakwatsero sa Hokkaido ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best.
Kilala man ng ilang Pinoy ang Hokkaido bilang isang brand ng de lata, iilang Pinoy pa lang ang nakakapunta rito. Sa katunayan, halos 1,200 na Pinoy lang ang nakatira sa pinakahilagang isla ng Japan.
Samahan si Robi sa kanyang paglalaro sa mala-pulbos na niyebe, pangingisda sa nagÂyeyelong Lake Shinotsu, at mapangahas na pag-akyat sa Mt. Asahidake, ang pinakamataas na bundok sa Hokkaido, para mag-selfie sa tuktok nito. Sabayan din siyang matuto na mag-snowboard sa isa sa mga popular na ski resort sa Hokkaido, at tikman ang masasarap at sariwang seafood, lamb dishes, at ramen doon.
Huwag palampasin ang Hokkaido adventure ni Robi Domingo ngayong Linggo (Feb 23) sa ABS-CBN Sunday’s Best, pagkatapos ng Gandang Gabi Vice. Ang Lakwatsero sa Hokkaido ay isang co-production ng ABS-CBN Integrated News at ng Sapporo-Hokkaido Contents StraÂtegy Organization (SHOCS) ng Japan.
- Latest