^

PSN Showbiz

Jolina na-cesarean!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Kung si Baby Philip Nathaniel ng mag-asawang Rica Peralejo at Pastor Joseph ang first celebrity baby sa taong ito, sumunod naman dito si Baby Pete Inigo, first born ng mag-asawang Mark Escueta at Jolina Magdangal. Si Pete Inigo ay isinilang ni Jolina via cesarean section sa Asian Hospital and Medical Center last February 18, four days after Valentine’s day.

Ang mag-asawang Mark at Jolina ay ikinasal nung December 5, 2011.

Jolina is going to breastfeed her baby at kapag okey na itong iwanan ay saka lamang siya babalik sa showbiz. Nangako ang mag-asawang Mark at Jolina na magiging hands-on parents sila sa panganay.

Ang susunod na magsisilang ng kanyang first born ay ang ex-PBB grand winner na si Melai Cantiveros courtesy of her ex-PBB husband na si Jason Francisco.

Aktres pinaghintay sa wala ang kapamilya

May tampo ang tiyuhin ng isang sikat na aktres ng isang major TV network

Dahil hindi umano ito tumupad sa pangako na dumalo sa kaarawan ng kanyang anak. Ang tiyuhin ay isa ring aktor na kapatid ng ama ng aktres.

Nangako umano ang aktres na dadalo sa birthday party ng kanyang pinsan kaya inasahan ang kanyang pagdating.  Pero dumating ang araw ng birthday ng bata at ni anino ng aktres ay hindi nakita dahil binigyan daw ito ng booking o trabaho ng kanyang manager.

Ayon sa tiyuhing aktor, kung talagang gusto ng kanyang pamangking aktres na makadalo sa birthday party ay sinabihan sana niya ang kanyang manager na i-block off ang araw at oras na yon dahil may family birthday party siyang dadaluhan. Tiyak daw na irerespeto `yon ng kanyang manager. “Siyempre may bayad `yon kesa sa birthday ng anak ko,” may tampong tono ng tiyuhing aktor.

 â€œNasaktan lamang ako dahil inasahan siya ng anak ko. Proud siyempre siya sa kanyang pinsan na sikat ngayon,” kuwento sa amin ng singer-actor na  nagmula sa now-defunct youth-oriented program na That’s Entertainment.

 â€œWala akong tampo sa manager dahil siya (aktres) naman ang nag-commit na pupunta siya.  Kung sinabi sana niya na hindi siya makakadalo dahil may trabaho siya, mas maiintindihan ko pa at hindi namin siya aasahan,” anang kamag-anak ng sikat na aktres.

PERSONAL…

Bon voyage  and congratulations sa aking anak na si Aila Marie Reyes na umalis kahapon (Feb. 19) pabalik ng Japan. She’s a graduating student ng Kwansei Gakuin University (Kangaku) in Nishinomiya City, Japan on March 18, 2014.

vuukle comment

AILA MARIE REYES

AKTRES

ASIAN HOSPITAL AND MEDICAL CENTER

BABY PETE INIGO

JASON FRANCISCO

JOLINA

JOLINA MAGDANGAL

KANYANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with